Charee Pineda durog ang puso, nagluluksa sa pagkawala ng 2nd baby
WASAK ang puso ngayon ng aktres at dating konsehal na si Charee Pineda matapos mawala ang ikalawa sana nilang anak ng asawang si Martell Soledad.
Ibinahagi ni Charee ang malungkot na balita sa pamamagitan ng social media kung saan ikinuwento nga niya ang nangyari sa sanggol na kanyang ipinagbubuntis.
Makikita sa Instagram post ng aktres ang litrato niya habang nakahiga sa kanyang hospital bed. May photo rin siya kasama ang anak at asawang si Martell.
Baka Bet Mo: PNP may bagong natuklasan sa pagkawala ni Catherine Camilon, nanawagan sa mga suspek: ‘Sana sumuko na’
Ayon kay Charee, bigla raw tumigil ang tibok ng puso ng baby sa kanyang sinapupunan. Mahigit limang buwan na ang ipinagbubuntis ng aktres.
View this post on Instagram
“At 22 weeks and 1 day, our baby’s heart stopped beating. Our hearts were shattered but it surely made our faith stronger,” ang positibong mensahe ni Charee.
Nagbigay din siya ng mensahe para sana sa second baby nila na isang girl. Tinawag niya itong “Christiana.”
“We may not know why it had to happen but we trust that the Lord has better plans and all we can do is to let go and surrender. I know in my heart we will see you again, my love.
Baka Bet Mo: Charee Pineda napaiyak sa ‘Bawal Judgmental’ ng Eat Bulaga
“For now, enjoy your time in heaven along with all the angels. We love you so much our baby, Christiana.
View this post on Instagram
“We can’t wait to have you back in our arms in His time,” ang nakasaad pa sa post ni Charee.
Bumuhos naman ang mensahe sa comment section ng IG post ni Charee at halos lahat ay nagpaabot ng pakikidalamhati sa pagkawala ng kanilang baby, kabilang na ang mga kaibigan niya sa showbiz.
Ilan sa mga celebrities na nakisimpatya sa pagkawala ng baby nina Charee at Martell ay sina Bianca Lapus, Yasmien Kurdi, Sue Ramirez, Melissa Ricks, Lovely Abella, Jason Abalos, Angeline Quinto at marami pang iba.
Ikinasal noong 2020 sina Charee at Martell, at biniyayaan nga sila agad ng anak na lalaki. Naging punong barangay at konsehal si Charee noon sa Valenzuela City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.