'Tingnan nga natin kung hanggang saan ang tapang ni Andi Eigenmann!' | Bandera

‘Tingnan nga natin kung hanggang saan ang tapang ni Andi Eigenmann!’

Cristy Fermin |September 27,2016
facebook
share this

‘Tingnan nga natin kung hanggang saan ang tapang ni Andi Eigenmann!’

Cristy Fermin - September 27, 2016 - 12:10 AM

andi eigenmann

RAMDAM na ramdam ang pasasalamat ni Mrs. Rita Casino sa pagkalantad ng katotohanan na hindi ang kanyang anak na si Albie kundi si Jake Ejercito ang tunay na ama ng anak ni Andi Eigenmann.

Kinailangan pang lumipas ang halos anim na taon bago nakuha ng kanyang anak ang bendikasyon, napakahaba ng panahong ipinagtiis ng aktor, kaya nakahihinga na nang maluwag ngayon ang ina ni Albie.

Ayon sa mommy ni Albie ay isinuko na nila sa Itaas ang lahat, umaasa na lang sila na isang araw ay lalabas at lalabas din ang katotohanan, nangyari ‘yun sa isang pagkakataong hindi nila inaasahan.

At mismong kadugo pa ni Andi ang naglinaw sa lahat, detalyadong sinabi ni Maxi Eigenmann na sa pamamagitan ng DNA test ay napatunayang si Jake Ejercito ang tunay na dugo at laman ni Ellie, hindi si Albie.

Naiintindihan namin kung bakit hanggang ngayon ay tikom pa rin ang bibig ng mag-inang Jaclyn Jose at Andi, seryosong isyu na kasi ito, hindi na pupuwede ang mga ginagawa nilang pagpapaliguy-ligoy.

Matapang si Andi, walang inuurungang laban ang babaeng ito, ngayon natin malalaman kung hanggang saan ang kanyang tapang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending