Boy Abunda nagpasalamat kay Ate Vi: Matagal na siyang kakampi ng LGBT!
THANKFUL ang King of Talk na si Boy Abunda kay Lipa City Rep. Vilma Santos-Recto sa balak na pagpo-propose ng bill na papabor sa LGBT community.
Naisip ni Cong. Vilma na maglalagay ng LGBT Desk sa police stations nationwide. Hindi naman lingid sa marami na number one supporter ng LGBT si Boy.
“Kung may Women’s Desk, ngayon may LGBT Desk na. Maraming-maraming salamat kay Congresswoman Vi sa ipo-propose niya na bill ukol dito,” sambit ni Kuya Boy nu’ng makausap namin sa studio ng Tonight With Boy Abunda.
Nilinaw naman ni Kuya Boy na wala siyang kinalaman sa ipo-propose na bill ni Ate Vi na LGBT Desk sa police stations.
Hindi raw sila nagkakausap ng actress-politician ayon kay Kuya Boy. At alam naman daw niya na si Cong. Vi ay tunay at likas na kakampi ng LGBT community.
Sa late night talk show din ni Kuya Boy muli siyang nagpasalamat sa pamunuan ng isang eskwelahan ng mga guro sa bagong parangal na ibinigay sa kanya. Siya pa lang ang pangalawang recipient nito at ang unang tumanggap ay ang Superstar na si Nora Aunor.
“Ini-embrace ko po lalo na habang nagtatagal ang pag-uusap natin doon sa entablado at laging lumalabas ang pagmamahal sa aking ina. Then I started to understand.
“Kasi sinasabi ko palagi na makalimutan man lahat ng aking ginawa, at meron lang ilan-ilan na makakaalaala na minahal ko ang aking nanay, then, I’ve done something right,” pahayag ng TV host.
Talagang bahagi na ng buhay ni Kuya Boy ang advocacy niya to make his Nanay Lesing always proud of him. E, dahil kay Nanay Lesing kaya niya itinayo ang kanyang Make Your Nanay Proud (MYNP) Foundation.
And speaking of MYNP, sobrang tagos sa puso ang naganap na awarding ceremonies ng photo exhibit para sa kanilang #MeetMyNanay contest sa Mega Atrium ng SM Megamall last Aug. 9.
Ang mga nanalo ay sina Lina Morteha at si Nanay Emilia na 93 years old na, for their moving photo kasama ang iba pa niyang kapatid. Nagtayuan at nagpalakpakan ang mga dumalo sa awarding ceremony noong umakyat sa stage si Nanay Emilia.
Ang second place naman ay napunta kay Godfrey Gonzales at Nanay Gloria. Ipinadala ni Godfrey ang touching photo niya with his mother on graduation day.
At ang third place naman ay inward kay Mark Latiza Garcia at sa Nanay Lina niya for the heartwarming photo of two brothers flanking their beaming mother in the middle.
Ayon sa assistant vice president for Business and Brand Development of Great Image na si Cocoi Belgar, na-exceed all their expectations sa contest na sinuportahan nila kung saan more than 1,000 photographs submitted for the #MeetMyNanay contest.
Bawat entry na ipinadala ay may kalakip na donasyon na P20 para sa mga proyekto ng MYNP. Naroon para mag-award sa winners ay sina Mr. Bob and Mrs. Toots Palomo. They turned over the donation to Bemz Benedito and Gasper Gozo of MYNP.
Samantala, malamang ay tinigilan na si Kuya Boy ng media sa katatanong tungkol sa pag-alis sa ABS-CBN ng kanyang “best friend” at talent niya for commercial endorsement na si Kris Aquino.
Bagaman hindi nagpainterbyu, idinaan na lang ni Kris sa social media ang paglilinaw sa mga usap-usapan sa pag-ober da bakod niya sa GMA 7.
Wala talagang duda na si Kuya Boy ang naging tulay nang pagkukrus muli ng landas nina Kris at Mr. Tony Tuviera. Pero si Kris na ang nakipag-meeting kay Mr. T tungkol sa gagawin niyang career move hanggang sa maisara na nga ang kontrata nila.
Ang balita namin, kasama sa napagkasunduan ang lahat ng digital platforms na ipo-produce ng nanay nina Bimby at Joshua.
Talagang sa showbiz, no one is indispensable. Alam na alam ‘yan ni Kuya Boy. This is one of the reasons kung bakit nagpursige siya na makapagtapos ng kurso sa kolehiyo at makakuha ng doctoral degree.
‘Yun na.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.