Quantcast

Jessy nag-inarte sa fiesta, 5 ang bitbit ng bodyguard sa Surigao

By

jessy mendiola

WE’RE finally back sa Manila. Kahapon pa actually kami dumating nina Pilar Mateo, Julie Bonifacio, Boy de Leon and Dominic Rea. We spent the whole week (July 10-17) sa Carrascal, Surigao del Sur sa imbitasyon ng napakaguwapo, batambata at napakabait nilang mayor na si VJ Pimentel.

They celebrated their week-long Pahinungod Festival via a very successful and star-studded events from Monday to Saturday.

Kami ang personal na nag-asikaso sa mga nagdatingan artists doon – Monday with Jaya, AJ Tamiza and Anton Diva; Tuesday with Michael Pangilinan, Morisette Amon, Boobsie Wonderland and Randy Santiago; Wednesday with Marco Sison, Kyla, Rowel Quizon and Imelda Papin; Thursday with Hale and DJ Jennifer Lee; and Friday with napakabait na Sam Pinto, maarte at supladitang Jessy Mendiola, Julie Ann San Jose, Tammy Brown, Pepay and Billy Crawford.

Ang Saturday event which was the grand coronation night ng Hiyas Ng Carrascal was organized by our dear friend Arnold Alvarez wherein they invited JC de Vera, Ronnie Liang, Joseph Bitangcol and Venus Raj as guests.

We stayed at LCA Resort pero every dinner time ay doon kami kumakain sa mansion ng mag-amang Gov. BB Pimentel, Jr. and Mayor VJ Pimentel kung saan lagi bumabaha ng pagkain. Bale courtesy call na rin ng mga artists ito sa mga opsiyales ng nasabing bayan. You can feel na fiestang-fiesta talaga kaya nagsipagbundatan kaming lahat.

Napakabait pa ng mga nag-assist sa aming sina DILG Chief Joseph Urgel and Perry Correos kaya everything run sooo smoothly. Every after ng show ay tumatambay muna kami sa Baywalk – the entertainment area ng Carrascal na katabi lang ng stage. Nakakaloka dahil feeling namin ay nagsipagtabaan kami sa Carrascal. Kasi nga, open kami sa pag-order lang ng food sa LCA Resort dahil napakasarap magluto nitong chef nilang si Erwin – ang badingding na kakilala pala namin dahil he used to work for Gov. Chavit Singson before.

q q q

Everyday was fun day – ang medyo stressful lang nang konti was nu’ng first day dahil siyempre, para kang nanganganay pero na-manage namin iyon – ang pinakamalalang naalala namin ay yung Friday event namin. You know why, nabuwisit kami dito kay Jessy Mendiola na sobrang arte. Kung paano namin siya ipinagtanggol when she was being hit sa mga naglalabasang items on her ay nagkamali pala kami. Di pala namin siya dapat ipagtanggol because she showed her real self doon sa Surigao del Sur.

Nakakaloka siya. Wala siyang keber – imagine, lima-lima ang dala niyang bodyguards from Butuan to Carrascal – parang Lady Diana or Mariah Carey lang ang peg with matching road manager and another assistant in tow. Eight ang buong entourage niya kaya dapat ay may sarili siyang van na walang ibang kasamang ibang artists. Ha-hahaha!  Feeling big star kasi nga nanalo raw sa FHM as “sexiest” whatever. Akala niya siguro umaabot ang FHM sa Carrascal na busy sa hanapbuhan nila sa minahan.

Anyway, personal siyang sinundo ni Mayor VJ Pimentel sa Butuan Airport at doon dinala sa mansion – special treatment kumbaga. Pagdating nila sa mansion, personal na inasikaso ni Mayor VJ ang lunch nila pero ang ginawa nitong starlet na ito, dumiretso lang sa room niya and hindi na lumabas. Nagpakuha siya ng food sa kaniyang mga assistants at doon kumain sa kuwarto niya.

Lumabas na lang siya bandang 8 p.m. na para sa courtesy dinner sa dining area ng mansion. Pero heavily-guarded siya ng bitbit niyang mga tao at halos hindi magpakuha ng pictures. Kaloka, di ba?
Nauna kaming tumungo sa venue dahil inayos namin ang program for the night. We decided na mauna si Sam Pinto, then Julie Ann San Jose, then the comic tandem of Pepay and Tammy, then si Jessy and finale si Billy. Matuk mo, tumawag ang isang assistant niya para sabihin daw sa amin na gusto ni Jessy na siya ang gawing finale?

Siyempre, para hindi naman bagay na siya ang gawing finale dahil since fiesta ito, I am coming from a more rightful perspective na ibigay ang portion na ito kay Billy. Masa ang audience dito, hindi ito nightclub or what. Ayaw pa ba niya nang ganoon – she comes right before Billy? That makes her very important star too. Pero mapilit daw talaga itong si Jessy dahil iyon daw ang usapan nila ng kumuha sa kaniya for the event – na siya ang finale.

Doon na ako nagalit, masyado siyang prima donna. Nang makarating sa kanila na nagagalit na ako, saka lang nila na-realize na mali sila. Akala nila ay makakaya nila kaming ilagay sa bulsa nila. Hanggang sa pumayag na raw si Jessy na huwag na siyang mag-finale.

Nakakaloka pala ang babaeng ito. FHM Sexiest pa lang ang title niya nagkaganoon na siya. Mula pagdating hanggang pag-alis niya ng Carrascal ay sakit ng ulo ang dulot niya. Feeling star at wala sa lugar.

Ito ang mga tipong mabilis malaos, walang pakisama. Ang gusto niya siya ang nasusunod sa lahat. Pag siya ang nakatuluyan ni Luis Manzano, ano kaya ang magiging relasyon niya kay Vilma Santos? Hindi kaya ingudngod siya ni Ate Vi sa inidoro?

Anyway, our journey sa Carrascal, Surigao del Sur was very fruitful. minus this Jessy issue na ito, it would have been perfect.

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate: c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94





TODAY'S ISSUE OF BANDERA

Advertisement