‘Celebrity Block’ ng mga artistang nahalal sa Kongreso binubuo na
NO show din si dear idol-friend-kumareng Ate Vi (Vilma Santos) sa proklamasyon ni Sen. Ralph Recto bilang isa sa 12 senador na nanalo sa nakaraang eleksiyon. Unlike the others na sinamahan ng mga kapamilya nila, walang kasama ang nare-elect na number 11 senator.
“Mayroon kasing commitment si Ate Vi sa Lipa. Eversince naman kapag may mga ganu’ng iskedyul na hindi talaga ma-adjust dahil mas kailangang nandu’n ang isa, nagsa-sacrifice sila o nag-a-adjust,” sey ng isang malapit kay Ste Vi.
Pinaghahandaan na nga ni Ate Vi ang pag-upo sa Congress very soon at hindi nga nito ikinahihiyang sabihin na “estudyante” siya ng asawang senador sa larangang ito lalo pa’t minsan na rin itong naging Kongresista. Marami nga ang excited at looking forward sa magiging papel ng mga taga-showbiz sa Kongreso.
Kung hindi nagkakamali, mas maraming celebrities ang uupo ngayon sa Congress, bukod kay Ate Vi, nandiyan din sina Lucy Torres, Yul Servo, Alfred Vargas iba pang known personalities representing sports and education. This early nga ay may nababalitaan na kami na bumubuo na raw ng “celebrity block” ang mga artistang nahalal na kongresista nitong nakaraang eleksiyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.