Tito, Goma, Herbert, Lucy, Erap waging-wagi sa Eleksiyon 2016
KUNG may mga nagbunyi matapos magwagi, meron ding minalas na mga artistang sumabak sa katatapos lang na Eleksiyon 2016.
Para sa pagkasenador, tanging si Tito Sotto lang ang maaaring pumasok sa magic 12 dahil sa itinatakbo ng bilangan, nananatiling nasa ikatlong pwesto si Tito Sen. Kahapon, habang sinusulat ang balitang ito, wala pa rin sa magic 12 sina dating Manila Vice Mayor Isko Moreno na nasa ika-16 na pwesto, Mark Lapid na nasa ika-19 at Rey Langit na nasa ika-18 pwesto.
Nasa ika-24 pwesto naman ang naging kontrobersyal na senatorial aspirant na si Alma Moreno at ika-21 naman ang ama ni Luis Manzano na si Edu Manzano. Sa Maynila, matapos ang isang matinding karera, nanguna pa rin sa bilangan si Mayor Joseph Estrada.
Nangunguna naman for Manila 3rd district representative si Yul Servo habang sa ikalawang distrito naman, 2nd place ang ranking ni Robert Ortega para sa pagkakonsehal. Wala pa ring nakakahabol sa nakakalulang lamang ni Quezon City Mayor Herbert Bautista na running for reelection.
Unopposed naman si Alfred Vargas bilang Quezon City District 5 Representative. Nasa ikaanim na pwesto naman si Roderick Paulate at mukhang pasok pa para sa 2nd district councilor ng Q.C.. Pasok din sa magic 8 si Anjo Yllana na nasa ika-5 pwesto para konsehal sa 5th district ng Kyusi.
Nagkaroon naman ng tagisan ng dalawang artista for vice governor sa Bulacan pero ang lumabas na nangunguna ay si Daniel Fernando habang pumangalawa naman si Phillip Salvador na nagreklamong sinabotahe raw siya noong mismong araw ng halalan.
May nagdikit daw kasi ng mga poster sa mga voting precincts na nagsasabing disqualified si Ipe.
Winner naman ang mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres-Gomez bilang Ormoc City Mayor at 4th district representative ng Ormoc respectively.
Sa Makati, una sa ranking bilang 1st district councilor si Jhong Hilario, declared winner na rin si Rico J. Puno bilang konsehal at nanguna naman si Monsour del Rosario bilang 1st district representative.
Mukhang number one choice ng mga taga-Santa Rosa City si Dan Fernandez dahil siya ngayon ang nangunguna sa bilangan bilang city mayor.
Di naman na nakapagtataka na nangunguna bilang 3rd district representative si Vilma Santos, na matagal ng naninilbihan sa lugar. Sa Pateros, mukhang hindi kakayaning lagpasan ni Daisy Reyes ang 36% na lamang ng katunggali bilang city mayor sa kanyang 31% na nakuhang boto.
Vice-Governor naman ang hangad ni Jolo Revilla at mukhang matutupad ito dahil nangunguna pa rin siya kahapon sa bilangan. Ang kanyang inang si Lani Mercado ay declared winner na bilang mayor ng Bacoor Cavite. Humahabol pa rin sa ranking si Lance Raymundo pero hindi pa rin siya pumasok sa magic 8 bilang konsehal.
Nasa ikalawang pwesto ang dating aktor na si Matt Medoza, bilang konsehal ng Puerto Prinsesa.
Panalo na rin bilang konsehal ng Pasig ang isa sa mga anak ni Vic Sotto (kay Coney Reyes) na napanood din noon sa kalyeserye ng Eat Bulaga na si Vico Sotto.
Sa Parañaque, mukhang hindi papalarin ang anak ni Joey Marquez na si Jeremy Marquez na tumakbo bilang Vice Mayor ng lugar ganu’n din si Ronnie Rickets na tumatakbong representative. Parehas silang nasa ikalawang pwesto. Pero pasok naman ang ilang stars bilang konsehal tulad nina Vandolph para sa district 5 (Parañaque), Jomari Yllana (district 1, Parañaque) at Charee Pineda (Valenzuela).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.