Quantcast
Emosyonal sa 10th anniversary celebration

Kim napaiyak sa ASAP20; sabay na binati nina Gerald at Xian

By

XIAN LIM AT KIM CHIU

XIAN LIM AT KIM CHIU

NAPAIYAK si Kim Chiu matapos siyang batiin ng ilang taong malapit sa kanya nitong nagdaang Linggo para sa kanyang 10th showbiz anniversary celebration sa ASAP20.

Pagkatapos ng kanyang sexy production number with Rita Ora’s “Body On Me”, isa-isang bumati sa pamamagitan ng video ang ilang nakatrabaho niya sa pelikula at teleserye.

Kabilang sa mga nag-congratulate kay Kim ay sina Jake Cuenca, Gloria Diaz, Ariel Rivera, Richard Yap, Pilita Corales, Albert Martinez, Enchong Dee, Aiko Melendez, Zsa Zsa Padilla, Vilma Santos at ang mga naging direktor niya sa kanyang mga past projects na sina Lauren Diyogi, Joyce Bernal at Mae Cruz.

Halatang nagulat si Kim nang biglang umapir ang mukha ng kanyang ex-boyfriend sa screen na si Gerald Anderson para magbigay din ng mensahe sa kanyang ika-10 anibersaryo sa showbiz.

Sey ni Gerald, “Hi, Kim. The most amazing part of this 10-year journey of yours is the woman that you have become. Sobrang mahal mo ang pamilya mo, mahal mo ang trabaho mo. Lahat ng mayroon ka ngayon, you deserve it. Happy birthday and happy anniversary.”

Pero siyempre, magpapahuli ba ang rumored boyfriend niyang si Xian Lim na katambal din niya sa Primetime Bida soap na The Story Of Us, nagbigay din ito ng message kay Kim. Anang binata,

“Napakamatulungin mong kapatid. You serve as the mommy sa buong pamilya mo. Ikaw na ang lahat. Maraming salamat Kim and more power to you.”

Ayon kay Kim, hindi niya maaabot ang estado niya ngayon sa mundo ng showbiz kung wala ang kanyang mga tagasuporta na hindi siya iniwan mula noong magsimula siya sa Pinoy Big Brother.

“I’m very happy and very blessed to be here. Thank you, thank you to my ABS-CBN family and sa lahat ng mga tao na nagmamahal at sumusuporta sa akin through the years,” ani Kim habang umiiyak.

Ibinalita rin ng Kapamilya actress na tuloy na tuloy na ang kanyang 10th anniversary concert na gaganapin sa KIA Theater on April 9.

Samantala, patindi na nang patindi ang mga eksena sa The Story Of Us directed by Richard Somes. Kung nabitin kayo sa mga kaganapan nitong nagdaang Biyernes, mas maraming pasabog ang mga karakter nina Kim at Xian bilang sina Tin at Macoy.

Sa pagpasok nga ng karakter ni Zsa Zsa Padilla sa serye bilang si Myra Simbulan, ang tunay na ina ni Tin na natagpuan na niya sa Amerika, mas marami pang paghamon ang haharapin ng dalawang bida sa paghihiwalay ng kanilang landas. Ayon pa kina Kim at Xian, kailangan din daw abangan ng mga manonood ang iba pang surprise characters sa kanilang serye kasabay ng marami pang twists.

Kasama rin sa The Story Of Us sina Aiko Melendez, John Arcilla, Susan Africa, Bryan Andres, Bryan Santos, Janus del Prado, Nonong “Bangky” de Andres, Gardo Versoza at marami pang iba.

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate: c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94





TODAY'S ISSUE OF BANDERA

Advertisement