Marian sa kasikatan ni Maine: Basta sabi ko sa kanya, i-enjoy niya lang! | Bandera

Marian sa kasikatan ni Maine: Basta sabi ko sa kanya, i-enjoy niya lang!

Djan Magbanua |February 17,2016
facebook
share this

Marian sa kasikatan ni Maine: Basta sabi ko sa kanya, i-enjoy niya lang!

Djan Magbanua - February 17, 2016 - 02:00 AM

marian rivera

PAGKATAPOS mabuntis at manganak, magbabalik na nga ang GMA Primetime Queen na si Marian Rivera sa telebisyon. Maraming nililinyang proyekto ang Kapuso network para sa kanya at isa na nga rito at ang pagganap niya bilang Inang Reyna sa remake ng epic fantaseryeng Encantadia.

Hindi halata sa mukha at itsura ng misis ni Dingdong Dantes na mommy na siya dahil nga super ganda at super sexy pa rin itong humarap sa entertainment media press para sa presscon na ibinigay sa kanya ng GMA for her much-awaited comeback.

Ayon kay Marian, sobrang na-miss niya ang GMA lalo na ang Sunday PinaSaya kung saan isa siya sa mga host. “Siyempre na-miss ko ang Sunday PinaSaya lalo na yung Judge MD segment. Magaan para sa akin ang Sunday PinaSaya kasi sobrang konting oras ang nakukuha sa akin at masaya lang talaga,” ayon kay Marian.

Super busy siya sa pagiging mommy kay Baby Zia at hands-on daw talaga sila ni Dingdong sa pag-aalaga sa bata. Wala raw silang kinuhang yaya para kay Baby Z, katulong daw nila sa pag-aalaga ang mommy ni Marian at kung minsan naman ay ang lola niya.

Panatag daw kasi ang loob ni Marian kapag ang nanay at lola niya ang naiiwan para sa kanilang anak. Marami rin silang ginagawang adjustments ni Dingdong ngayong parents na sila. “Maraming nagawa sa buhay ko ang pagiging isang ina.

At sinasabi ko nga parang wala na akong mahahambing na malapit na pakiramdam, although siyempre iba yung pag-aasawa, pagpapakasal. Parang noong nagkaroon ng isang anak mas naging buo ung pagkatao ko. Iba talaga kapag nanay ka,” paliwanag ni Marian.

Breast-fed din daw si Baby Z dahil naniniwala si Marian na mas magiging healthy ang bata sa gatas ng ina, “Proud ako na three months na walang formula. Puro akin (gatas ng ina) lang.”

Pero paano kung nasa work siya? “Actually, laking pasasalamat ko rin sa GMA lalo na sa manager ko na si Rams David sobrang inalagaan talaga ako ng GMA. Kahit na nabuntis ako, nawala ako ng ilang buwan, nag-iisip pa rin talaga sila ng para sa akin.

Kinokonsider talaga nila yung excuse ko bilang ina na nga ako. So parang ang dami nilang nilatag sa akin na soap opera pero sabi ko nga eto talaga ang magagawa ko (Encantadia at Sunday PinaSaya) dahil hindi magiging mabigat para sa akin.”

Bukod sa dalawang programa, meron pang nilulutong talkshow para sa Primetime Queen. Ano ang naging paghahanda niya bago bumalik ng showbiz? “Actually, di pa ko pwedeng mag-diet, di pa ko pwedeng mag excercise.

Kailangan puro nutritious ang kinakain ko. Ayun araw-araw malunggay. As in araw araw kailangan may sabaw ako,” sagot nya. Natanong din kung kailangan ba nila balak sundan si Baby Z, ang sagot ni Marian, gusto niya munang bigyan ng oras at pansin ang una niyang anak pero gusto nila ni Dingdong na mga apat hanggang limang anak.

May offers din ng mga product endorsements para sa baby nila pero sa ngayon ay ayaw pa nila ni Dingdong. Anyway, dahil nga magpapaka-super mommy siya, pili na lang ang kaya niyang gawing eksena. Iiwas muna raw siya sa matitinding kissing scenes at love scenes, “Smack na lang.

Nakakahiya naman sa anak ko kung makikipag lips to lips pa ko,” pabirong sagot niya.
Abangan din daw ang gagawin nilang serye ni Dingdong sa GMA.

Nahingan din ng komento si Marian tungkol sa pagkikita nila ni Maine Mendoza na sinasabing bagong prinsesa ngayon ng Kapuso. Nagkaroon ng chance ang dalawa na magkachikahan sa ginanap na GMA Thanksgiving Party last week.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Nakakatuwa kasi, well, dumating ako wala na siya, e. Pero bumalik siya, ayun, bulungan kami nang bulungan, ang dami naming pinag-usapan,” sey ng aktres. Sey ni Marian, hindi pa sanay si Maine sa atensiyong nakukuha nito sa mga tao, “Nakakatuwa, kasi hindi naman masyadong sanay si Maine sa mga tao, so siguro na-shock siya.

Sabi ko lang sa kanya, ‘Okay lang ‘yan, i-enjoy mo lang.’ Ganyan ang buhay, e, enjoy lang.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending