Quantcast

Luis di na sinamahan si Angel sa pagpapagamot sa Singapore

By

LUIS MANZANO AT ANGEL LOCSIN

LUIS MANZANO AT ANGEL LOCSIN

UMALIS si Angel Locsin patungong Singapore noong Huwebes para sa scheduled theraphy niya sa spine at hanggang katapusan ng buwan daw siya mananatili roon.

Nabanggit din sa amin na bukod sa theraphy ay dadalo si Angel sa dalawang screenings ng pelikulang “Everything About Her” ng Star Cinema, hindi lang nabanggit sa amin kung kasama niya roon sina Xian Lim at Gov. Vilma Santos-Recto at direktor nilang si Bb. Joyce Bernal.

Keri namang mawala si Angel ng mahigit dalawang linggo dahil natapos na niya ang lahat ng taping days para sa Pilipinas Got Talent Season 5. Sa Abril na ito magla-live na gaganapin sa Resorts World Manila.

Inalam din namin sa source kung anong update sa relasyon nina Angel at Luis Manzano, “Wala eh. Tahimik pareho, walang gustong magsalita.”

Kasama ba si Luis sa Singapore, “Ay hindi, iba ang kasama ni Angel. Saka busy si Luis, di ba? Hindi naman siya puwedeng mawala ng matagal.”

Dahil ipinagagamot na ni Angel ang kanyang likod, posible bang siya pa rin ang gumanap na Darna sa bagong movie version nito, “Sana makuha sa theraphy, kasi siya talaga ang gusto ng lahat,” sabi ng kausap namin.

Hmmmmm, baka naman kasama pa rin talaga si Angel sa pelikulang “Darna” pero cameo role na lang na siyang magpapasa ng bato sa bagong mapipiling bida.

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Copyright © 2017,

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate: c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94





TODAY'S ISSUE OF BANDERA

Advertisement