Ate Vi kina Angel at Luis: Pabayaan natin, matatanda na sila! | Bandera

Ate Vi kina Angel at Luis: Pabayaan natin, matatanda na sila!

Ervin Santiago - February 02, 2016 - 02:00 AM

vilma santos

AYAW talagang maging epal ni Gov. Vilma Santos sa relasyon nina Luis Manzano at Angel Locsin. Kahit anong pilit ang gawin ng entertainment press na maybigay ng ilang detalye tungkol sa magdyowa ay todo tanggi talaga ang actress-politician.

Ayon kay Ate Vi, normal lang naman sa isang magkarelasyon ang magkaroon ng problema, tao lang din naman daw ang kanyang anak at si Angel na dumaraan sa mga pagsubok ng buhay.

Sa panayam ng ABS-CBN sa Star For All Seasons, sinabi nitong kailangang harapin nina Luis at Angel ang bawat challenge na humaharang sa daraanan nila.

“Sabi ko kasi kapag ganyang may dumadaan, talaga namang lahat ng problema, dinadaanan. Pabayaan niyong dumaan, huwag niyo lang istambayan,” pahayag ni ate Vi.

Nang tanungin kung may pag-asa pa bang magkabalikan ang dalawa, tugon ng aktres, “Not for me to say. Pabayaan mo. They are both mature. Ano man iyan, nasa kanilang dalawa iyan. Nandito lang ako bilang nanay to guide.

Tomorrow is another day.” Kung matatandaan, nagsalita na pareho sina Luis at Angel, inamin nilang may pinagdaraanan ang kanilang relasyon pero hindi pa naman daw sila talaga naghihiwalay.

“May pinagdadaanan lang po kami. Pero inaayos naman po namin,” sey ni Angel. Dugtong pa nito, ayaw na niyang magdetalye dahil, “Natatakot ako na baka may masabi ako na imbis na maayos namin, makasama pa. Ayaw ko naman kasi manloko o magsinungaling.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending