Osang ipinagtanggol si direk Cathy sa 2 ekstra | Bandera

Osang ipinagtanggol si direk Cathy sa 2 ekstra

Ervin Santiago |January 04,2016
facebook
share this

Osang ipinagtanggol si direk Cathy sa 2 ekstra

Ervin Santiago - January 04, 2016 - 02:00 AM

cathy molina

Ipinagtanggol ni Rossana Roces si direk Cathy Garcia Molina laban sa dalawang extra na nagreklamo sa ABS-CBN dahil sa panghihiya at pagmumura sa kanila noon sa taping ng Forevermore.

Ayon kay Osang ang pagi-ging “terror” na direktor ni Cathy ang siyang humubog sa kanya para mas ma-develop pa ang kanyang akting. Sinabi nito na hindi dapat maging sensitive sina Rossellyn Domingo at Alvin Campones bilang mga extra sa serye o pelikula.

“Kami man ay nakatikim din ng katakut-takot na panlalait at pagmumura bago kami talagang natuto at naging magaling. “Napakahirap maging direktor…sinubukan kong minsan katuwang ni Direk Buboy Neal Tan at di ko na sinubukang muli.

“Grabe ang stress, pressure at pagod. di ko kaya. May mga bagay pala talagang kinakaya ng sariling pag-iisip at lakas pero marami ring hindi. Hindi ko na muling binalikan ang pangarap na makapag direk.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending