Kim umamin na: Si Xian lang ang kailangan ko! | Bandera

Kim umamin na: Si Xian lang ang kailangan ko!

Reggee Bonoan |December 10,2015
facebook
share this

Kim umamin na: Si Xian lang ang kailangan ko!

Reggee Bonoan - December 10, 2015 - 02:00 AM

kim chiu

Hiyawan naman ang members ng entertainment press nang sagutin ni Kim Chiu ang tanong tungkol sa pag-level up ng relasyon nila ni Xian Lim na katambal nga niya sa “All You Need Is Pag-Ibig”. Diretsong sabi ng dalaga, “All I need si Xian.”

“Ngayon halos every day kami magkasama. Nakadalawang balik kami sa Palawan, yung isa for our teleserye (The Story of Us) tapos ito namang movie namin sa Coron, parang six days kami doon.

Nakapag-bonding naman kami nang maayos,” sabi ni Kim. Mas lalong kinilig ang KimXi fans na present din sa presscon nang sagutin naman ni Xian ang tanong, “Nu’ng ginagawa namin yung ‘The Story of Us,’ tinanong ako ni Kim.

Sabi niya, from the first time na nagkaeksena ba kami up to now, pareho pa rin daw ba ang pagtingin ko sa kanya, meron pa rin daw bang nagsa-spark, kung pareho pa rin ba yung nararamdaman, kung meron pa rin ba?”

Tugon ni Xian, “Siyempre. Every time nakikita kita, mas dumadagdag pa yung nararamdaman ko sa ‘yo.” Parehong bukas ang dalawang Kapamilya stars sa pagkakaroon ng seryosong relasyon pero hanggang ngayon ay hindi pa rin diretsong maamin nina Kim at Xian kung sila na nga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending