Final answer: Ate Vi hindi tatakbong VP ni Mar Roxas | Bandera

Final answer: Ate Vi hindi tatakbong VP ni Mar Roxas

Cristy Fermin - August 17, 2015 - 02:00 AM

vilma santos

Nagsalita na nang tapos si Governor Vilma Santos-Recto. Walang kahit anong makapagpapabago sa kanyang desisyon na hindi maging runningmate ni DILG Secretary Mar Roxas sa darating na eleksiyon.

Sarado na ang kanyang isip, wala nang makapagpapabago pa sa kanyang desi- syon, lahat ng mga kuwentong naglalabasan ngayon tungkol sa kanyang pagtakbo bilang vice-president ay puro press release lang.

Hindi siya interesado, sabi ng magaling na aktres-pulitiko, mahal niya ang probinsiya ng Batangas at wala namang pormal na nakikipag-usap sa kanya tungkol sa mga plano.

Kung sabagay ay wala ni sa hinagap ni Governor Vilma ang pagtakbo sa mas mataas na posisyon sa ating pamahalaan.

Ni hindi nga niya pinlano ang pagtakbong mayor ng Lipa City, kahit ang pagiging gobernador ng Batangas ay wala naman sa kanyang plantilya, nasa kapalaran lang talaga niya ang lumaban at magtagumpay.

Wala siyang kinalaman sa mga naglalabasang balita na siya ang magiging katuwang ni Secretary Mar sa darating na halalan.

Kahit ang kanyang pulitikong mister na si Senator Ralph Recto ay wala ring alam tungkol du’n.
Sarado na ang posibilidad. Nagsalita na nang tapos ang Star For All Seasons.

A- lisin na dapat ang kanyang pangalan sa mga pinami- miliang tumakbo sa pagka-bise-presidente sa 2016. ‘Yun ang totoo!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending