Tiniyak ng Minority Bloc sa Kamara ang kanilang pakikipagtulungan sa mayorya sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Lord Allan Velasco. Ayon kay House Minority Leader Bienvenido Abante, mahalaga ang pagbibigay ng kooperasyon sa mga kasamahang mambabatas para makalikha at makapagpatibay ng mga panukala na pakikinabangan ng publiko. Umaasa ang Minority Group na magtatrabaho na ang […]
Nakatipid ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng aabot sa P10 billion ngayong taong 2020. Sa pagpapatuloy ng budget deliberation sa plenaryo ng Kamara, sinabi ni House Appropriations Vice Chairperson at Negros Oriental Rep. Jocelyn Limkaichong na ginamit ang pondo na ayuda sa mga mahihirap na nangangailangan. Mayroon pang P6.5 Billion na natitira […]
Umaapela ang Palasyo ng Malakanyang sa Kongreso na magpasa ng resolusyon para mabigyan ng prangkisa ang motorcycle taxi na Angkas at Joyride. Pahayag ito ng Palasyo matapos luwagan ang pagbiyahe ng mga pampublikong sasakyan sa layuning buhayin ang ekonomiya ng bansa na nalugmok dahil sa pandemya sa COVID-19. Ayon kay Presisential Spokesman Harry Roque, wala […]
Inabot lang ng 60 oras ang pansamantalang kalayaan ng South Korean national na tumakas mula sa kulungan ng PNP CIDG sa Fort Bonifacio, Taguig City. Natunton at naaresto ng mga operatiba ng CIDG si Yeong Jun Lim tanghali ng Martes sa Salamanca St., sa Makati. Magugunitang nakatakas si Yeong kasama ang kababayan na si Hyeok […]
Umabot na sa 1,388 ang bilang ng mga stranded na pasahero sa mga pantalan. Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), ito ay bunsod ng Tropical Depression Ofel. Sa huling datos hanggang 12:00, Miyerkules ng tanghali (October 14), nasa 1,388 pasahero na ang stranded sa mga pantalan sa Southern Tagalog, Bicol, at Eastern Visayas. Maliban dito, […]
Nagbitiw sa pwesto bilang chairman emeritus ng ABS-CBN Corporation si Eugenio “Gabby” Lopez III. Personal na dahilan ang binanggit ni Lopez sa kaniyang pagbibitiw. Nagbitiw na rin si Lopez bilang director ng sa ABS-CBN Holdings Corporation, Sky Vision Corporation, Sky Cable Corporation, First Philippine Holdings Corporation, First Gen Corporation, at Rockwell Land Corporation. Effective immediately […]
Muling niyanig ng magnitude 3.2 lindol ang lalawigan ng Agusan del Sur. Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 4 kilometers southeast ng bayan ng Esperanza, alas-2:01 hapon ng Huwebes(September 24). May lalim na 34 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig. Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian,intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.
Mahigit 3,000 ang naitalang bagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas. Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Miyerkules (September 23), umabot na sa 294,591 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa. Sa nasabing bilang, 58,127 ang aktibong kaso. Sinabi ng kagawaran na 2,833 ang bagong napaulat na […]
Ligtas na nakauwi ng Iloilo City ang 40 locally stranded individuals, araw ng Martes (September 22). Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), nagmula ang 40 LSIs sa Lungsod ng Maynila. Sakay ang mga LSI ng BRP Lapu-Lapu (MMOV-5001) pauwi sa Iloilo City. Sinabi ng PCG na ang naturang transport mission ay bahagi ng kontribusyon ng […]