Kooperasyon ng minorya sa Kamara, siniguro | Bandera

Kooperasyon ng minorya sa Kamara, siniguro

Bandera at Radyo Inquirer - , October 14, 2020 - 04:10 PM

Tiniyak ng Minority Bloc sa Kamara ang kanilang pakikipagtulungan sa mayorya sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Lord Allan Velasco.

Ayon kay House Minority Leader Bienvenido Abante, mahalaga ang pagbibigay ng kooperasyon sa mga kasamahang mambabatas para makalikha at makapagpatibay ng mga panukala na pakikinabangan ng publiko.

Umaasa ang Minority Group na magtatrabaho na ang mga kongresista ayon sa kanilang mandato at aprubahan ang mga panukalang batas na makakatulong sa epekto ng pandemya sa buhay ng mga Pilipino.

Hinikayat naman ni Deputy Minority Leader Carlos Zarate ang bagong liderato na humanap ng paraan para pondohan ang mga kinakailangang mga programa at serbisyo sa gitna ng COVID-19 pandemic tulad ng trabaho, kalusugan, agrikultura at social aid.

Tiniyak din ng Minorya na patuloy nilang babantayan ang proseso ng budget upang masiguro na hindi ito mamadaliin kahit pa sinertipikahan urgent ng pangulo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending