1,388 pasahero, stranded sa mga pantalan bunsod ng Bagyong Ofel | Bandera

1,388 pasahero, stranded sa mga pantalan bunsod ng Bagyong Ofel

Bandera at Radyo Inquirer - , October 14, 2020 - 04:00 PM

Umabot na sa 1,388 ang bilang ng mga stranded na pasahero sa mga pantalan.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), ito ay bunsod ng Tropical Depression Ofel.

Sa huling datos hanggang 12:00, Miyerkules ng tanghali (October 14), nasa 1,388 pasahero na ang stranded sa mga pantalan sa Southern Tagalog, Bicol, at Eastern Visayas.

Maliban dito, stranded din ang 682 rolling cargoes, 41 vessels, at 19 motorbancas.

Patuloy naman ang 24/7 nationwide monitoring ng PCG Operations Center para sa istriktong implementasyon ng guidelines sa galaw ng mga sasakyang-pandagat.

Nakaalerto rin ang Coast Guard Districts, Stations, at Sub-Stations across sa bansa sakaling magkaroon ng emergency situations, katuwang ang Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending