KUMPIRMADO na at opisyal nang ipinakilala ang bagong may-ari ng Miss Universe Organization (MUO), at iyan ay ang Thai media empress na si Anne Jakrajutatip, chair at CEO ng JKN Global Group, na nagpatawag ng isang press conference sa Bangkok upang ilatag ang plano niya para sa 71-taong-gulang na patimpalak. Dinaluhan din ng Inquirer at […]
SARI-SARING mga bagay ang nagagawang talakayin ng singer at content creator na si Janina Vela sa online platform niya, at umaasa siyang makahihikayat pa ng kapwa na pag-usapan ang mga usaping maaaring para sa marami ay mahirap pag-usapan. “If there’s no discussion that happens, no change will happen,” sinabi ni Vela sa Inquirer sa isang […]
INAMIN ni Miss Universe Philippines (MUPH) National Director Shamcey Supsup-Lee na wala pang opisyal na abiso ang global pageant organization kaugnay ng naiulat na pagpapalit ng pagmamay-ari nito, ngunit sinabi niyang nabalitaan na niya ang pagsasalin ng 71-taong-gulang na international pageant sa Thailand-based na JKN Global Group. “If it is true, then we are very […]
NAGKUWENTO si Binibining Pilipinas first runner-up Herlene Nicole Budol tungkol sa kaibigan niyang si “Nene,” at kung bakit inaabangan niya ang muli nilang pagkikita. Nangyari ito sa isang munting pagtitipon ng mga kawani ng media para sa kanyang send-off press conference sa Novotel Manila Araneta City sa Quezon City noong Okt. 21, para sa […]
LIMANG bagong hari ang hinirang sa pagtatapos ng 2022 Misters of Filipinas pageant sa Newport Performing Arts Theater ng Newport World Resorts sa Pasay City, Okt. 16, lahat bitbit ang tungkuling iwagayway ang watawat ng bansa sa iba’t ibang international competitions. Kinironahang Misters of Filipinas-Man fo the World si James Reggie Vidal ng Ormoc […]
MAKARAAN ang dalawang taong nagmintis sa pisikal na mga sinehan, nagbabalik ang Pelikula Spanish Film Festival sa pagpapalabas sa isang pisikal na lugar para sa ika-21 edisyon nito ngayong taon. Ipagdiriwang ang pista sa Red Carpet at the Shang ng Shangri-la Plaza sa Mandaluyong City sa unang pagkakataon. Pansamantalang itinigil ang pagdaraos ng aktwal […]
DALAWANG ginang mula sa Filipino community sa iba’t ibang panig ng mundo ang nakasungkit ng mga bigating titulo sa 2022 Mrs. Tourism pageant na itinanghal sa Montien Riverside Hotel Bangkok sa Thailand noong Oktubre 2. Kinoronahan si Jacqueline Jensen Mochinaga mula Japan bilang Mrs. Tourism-The Queen Mother, habang ang kapwa Filipinang si Maria […]
SIYAM na reyna ang kinoronahan ng Mrs. Universe Philippines Foundation, at anim sa kanila ay lalahok sa Mrs. Universe pageant sa South Korea sa Disyembre. Pinili ang mga reyna mula sa hanay ng 19 ginang na lumahok sa national pageant na nagtapos sa isang coronation night na itinanghal sa grand ballroom ng Okada Manila […]