Spanish Language films mapapanood nang libre | Bandera

Spanish Language films mapapanood nang libre

Armin P. Adina - October 11, 2022 - 12:14 PM

 

Ito ang unang pagkakataon na sa Red Carpet at the Shang ipagdiriwang ang Pelicula.

Ito ang unang pagkakataon na sa Red Carpet at the Shang ipagdiriwang ang Pelicula./ARMIN P. ADINA

MAKARAAN ang dalawang taong nagmintis sa pisikal na mga sinehan, nagbabalik ang Pelikula Spanish Film Festival sa pagpapalabas sa isang pisikal na lugar para sa ika-21 edisyon nito ngayong taon.

Ipagdiriwang ang pista sa Red Carpet at the Shang ng Shangri-la Plaza sa Mandaluyong City sa unang pagkakataon.

Pansamantalang itinigil ang pagdaraos ng aktwal na screenings noong 2020 at 2021 ng tauang pistang pinangungunahan ng Instituto Cervantes de Manila dahil sa mga pagbabawal na ipinatupad bunsod ng pandemyang bunga ng COVID-19. Sa halip, naglunsad ang pista ng virtual editions.

Maliban naman sa pagpapalabas sa Shangri-la Plaza, mapapanood din ang mga pelikulang kasama sa 2022 lineup ng Pelicula sa Cine Adarna sa University of the Philippines Diliman sa Quezon City, at sa Intramuros branch ng Instituto Cervantes. Magkakaroon pa rin ng online screenings para sa mga manonood mula sa Pilipinas, Malaysia, at Australia.

“We have to break away from the pandemic,” sinabi ni Instituto Cervantes de Manila Director Javier Galvan sa paglulunsad sa pista kamakailan sa Red Carpet at the Shang. Siya ang nagsimula ng Pelicula noong 2002, nang una niyang mahawakan ang puwesto niya.

Si Instituto Cervantes de Manila Diretor Javier Galvan ang naghatid ng balitang babalik na sa face-to-face screenings ang Pelicula

Si Instituto Cervantes de Manila Diretor Javier Galvan ang naghatid ng balitang babalik na sa face-to-face screenings ang Pelicula./ARMIN P. ADINA

“This is becoming more complex because we are coming back to face-to-face,” pagpapatuloy niya, tinukoy ang pagyabong ng pista mula sa pitong pelikula lang sa isang lugar, sa pagkakroon ng 13 pamagat ngayong taon na may iba’t ibang sinehan pa, at may physical at virtual screenings din.

Kabilang sa line up ngayong taon ang “El Buen Patron” na pinagbibidahan ng Academy Award winner na si Javier Bardem, at ang Cannes winner na “Muerte de Un Ciclista.”

Para sa 2022, naglatag ang pista ng mga pelikula mula sa iba’t ibang genre, kabilang ang mga dokumentaryo. Kasalukuyang gumugulong ang Pelicula, at tatagal hanggang Okt. 16. Bukas para sa lahat ang panonood, at libre ang pagpasok sa mga sinehan. Tatakbo naman ang online screenings mula Okt. 11 hanggang Okt 14 sa www.pelikula.org, na may dalawang pelikulang bubuksan kada araw, maliban sa unang araw kung kailan “Esa Pareja Feliz” lang ang mapapanood. Libre ang online access, ngunit 48 hours lang maaring mapanood ang mga pelikula.

 

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending