Paalala ng reigning king sa 2022 Misters of Filipinas contestants: ‘You’re building brotherhood’
MALAPIT nang matapos ang ika-siyam na edisyon ng Misters of Filipinas pageant, ngunit pinaalalahanan ng reigning king ang mga kalahok ngayong 2022 sa samahang mabubuo sa kabila ng pakikipagtagisan ng galing.
“What you’re building up right now is brotherhood,” sinabi ni 2021 Misters of Filipinas winner Nadim Elzein sa mga contestant sa preliminary competition sa grand ballroom ng Winford Manila Hotel and Casino noong Okt. 13.
“Trust me, whoever wins among you guys, you have to clap for him, you have to carry him up, because he’s going to represent the Philippines. So meaning to say, he’s worthy enough to showcase the Philippines on the international stage,” pagpapatuloy pa ni Elzein, na second runner-up sa 2022 Man of the World contest.
Tatlumpu’t-limang kalahok mula sa iba’t ibang panig ng bansa at mula sa mga pamayanang Pilipino sa Estados Unidos at Kaharian ng Saudi Arabia ang magtatagisan para sa limang national titles—Misters of Filipinas Man of the World, Misters of Filipinas Model Worldwide, Misters of Filipinas Man Hot Star International, Misters of Filipinas Fitness Model World, at Misters of Filipinas Super Globe.
“After this all, trust me, you’re gonna miss each other,” dinagdag ni Elzein, na nakasungkti sa pangunahing premyo sa pagtatanghal ng Misters of Filipinas pageant sa Dumaguete City noong nagdaang taon, na idinaos makaraan ang pagpapahinga noong 2020 dahil sa pandemyang bunga ng COVID-19.
Hinirang bilang “First Prince” ni Elzein si Junichi Yabushita noong 2021, at kinatawan niya ang Pilipinas sa unang edisyon ng Runway Model Universe contest na itinanghal sa bansa kung saan siya rin ang nagwagi sa dibisyong panlalaki.
“When I was a kid, I [told] myself that I cannot join that kind of competition because of the height requirement. So during my time [Misters of Filipinas] lowered the height requirement to 5’8” so I took up all my courage and joined,” ibinahagi ni Yabushita.
Sinabi pa niyang ginawa na niayng misyon ang isulong ang pagbasag sa stereotypes at standards ng lipunan, “so that [there will be] places for people like me, or children like me.”
Mula nang mabuo noong 2012, ibinandera ng national male competition ang husay ng Pilipino sa iba’t ibang pandaigdigang patimpalak, at inuwi ng mga hari nito ang unang panalo ng Pilipinas sa kani-kanilang mga paligsahan—sina 2014 Mister International Neil Perez, 2016 Man of the Year Karan Singhdole, 2018 Mister Tourism Universe Ion Perez, 2018 Mister Model Universe Carlo Pasion, 2019 Mister Tourism and Culture Universe Yves Campos, at si Yabushita.
Ang Prime Event Productions Philippines (PEPPS) Foundation Inc. ang organizer ng taunang patimpalak. At para sa ikasiyam na edisyon ngayong taon, katuwang nito ang Ormoc City-based na household and personal products marketing company na WELLife.
Itatanghal ang 2022 Misters of Filipinas grand coronation night sa Newport Performing Arts Theater ng Newport World Resorts sa Pasay City sa Okt. 16.
Related Chika:
Bisexual candidate ng Misters of Filipinas pageant suportado si Mister Supranational Argentina
1 lang ang mananalo sa 2021 Misters of Filipinas pageant
India wagi sa Man of the World pageant; Philippines 2nd runner-up
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.