1 lang ang mananalo sa 2021 Misters of Filipinas pageant | Bandera

1 lang ang mananalo sa 2021 Misters of Filipinas pageant

Armin P. Adina - June 14, 2021 - 11:12 AM

ISANG titulo lang ang igagawad sa pagdaraos ng Misters of Filipinas pageant ngayong toan, hindi katulad noong mga nagdaang edisyon kung saan maraming korona ang ipinamahagi.

“We will only crown the Man of the World-Philippines, who will compete in the coming Man of the World contest. He will have four runners up,” sinabi sa Inquirer ni Carlo Morris Galang, pangulo ng pageant organizer na Prime Events Productions Philippines Inc. (PEPPS), sa grand call back ng mga aplikante mula Metro Manila at Luzon sa Quezon City noong Hunyo 12.

“The runners up may still have the opportunity to compete abroad, but we’re not going to assign them titles just yet,” pagpapatuloy pa niya.

Sinabi ni Galang na makakasabak lang ang mga magiging runner up sa mga international contest kapag tapos nang lumaban lahat ng mga nagwagi noong 2019.

Dahil sa pandemyang bunga ng COVID-19, tanging si 2019 Mister Model Worldwide Philippines Gianluca Lanta ang natuloy na makalaban—sa Mister Model Worldwide contest sa India.

Hindi pa nakakalaban sina Man of the World Philippines Tommy Peñaflor, Mister International Philippines Levin Arguelles, Mister Model Universe Philippines Kevin Jay Secoya, at Mister Tourism and Culture Universe Philippines Vandave Paragas.

Naantala ang kani-kanilang mga pandaigdigang patimpalak dahil sa pandemya, na nagtulak din sa PEPPS na kanselahin ang Misters of Filipinas noong 2020.

Sinabi naman ni Galang, organayser din ng pandaigdigang Man of the World pageant, na matutuloy na ngayong taon ang pagdaraos ng nasabing patimpalak, at itatanghal itong muli sa Maynila sa Nobyembre.

“I will talk to Tommy to discuss his participation. He is currently based in New York where he found a job. If he will be able to come to the Philippines in time, and considers himself ready for the pageant, then he will represent the Philippines. If not, we will see the new winner compete,” aniya.

Nakapili na ng 10 kalahok mula sa mga aplikante mula sa Metro Manila at Luzon, na may dalawang wildcard entrant na maaari pa ring maging opisyal na kandidato. Nakapagpadala na rin ng kinatawan ang opisyal na partner ng PEPPS sa lalawigan ng Tarlac.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ayon sa mga organayser, pipili pa ng 12 kandidato mula sa mga screening na gagawin sa Visayas at Mindanao, at tatlo pa ang magmumula sa mga pamayanang Pilipino sa ibayong-dagat.

Itatanghal ang 2021 Misters of Filipinas grand finals sa Negros Oriental Convention Center sa Dumaguete City sa Agosto 10.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending