Janina Vela sinabing dapat pag-usapan ang bagay na ‘mahirap’ talakayin
SARI-SARING mga bagay ang nagagawang talakayin ng singer at content creator na si Janina Vela sa online platform niya, at umaasa siyang makahihikayat pa ng kapwa na pag-usapan ang mga usaping maaaring para sa marami ay mahirap pag-usapan.
“If there’s no discussion that happens, no change will happen,” sinabi ni Vela sa Inquirer sa isang panayam sa “Tara Coco Tayo” talk event sa Coco store sa Robinsons Galleria sa Quezon City noong Okt. 19, kung saan tinipon ang ilang dosena sa kapwa niya kabataang digital content creators.
Siya ang hosat ng event kung saan tinalakay ng mga speaker ang mental health, financial literacy, at LGBTQIA+ (lesbian, gay, bisexual, transgender, queer, intersex, asexual, etc.) rights, mga paksang para sa maraming Pilipino ay sensitibo, kontrobersyal, o ipinagbabawal.
Pinag-isipan ni Vela kung bakit nahihirapan ang marami na maging bukas sa naturang mga paksa. “It’s scary. Personally, up to now, I’m still afraid to talk about them because I don’t want to ask the wrong questions, I don’t want to say the wrong things,” ibinahagi niya.
Sinabi ng dilag na susi ang mga munting hakbang. “If you try to tackle the big thing right away, you’ll be overwhelmed. That’s why it’s important to have simple, casual conversations,” ipinaliwanag niya.
Ang speakers mismo ay mga kabataang katulad niya, na ginagamit ang kani-kanilang mga plataporma online upang mabigyang-liwanag ang mga bagay na hindi naisusulong ng maraming content creators. Tinalakay ng fitness enthusiast na si Gelli Cruz ang mental health, LGBTQIA+ rights naman ang isinulong ng international transgender beauty queen at aktibistang si Albiean Revalde, habang financial literacy ang paksa ni Ailyn Caringal.
View this post on Instagram
“These topics are important, and anybody can digest,” ani Vela, dinagdag na kinakailangang magkaroon ng “safe spaces” kung saan maaaring pag-usapan ang mga bagay na ito. “I think what this event is trying to tell us is that, ‘yes, I know you want to talk about these things, and talk about that with milk tea,’” pagpapatuloy niya.
Pinaalala rin ni Vela ang kahalagahan ng pag-o-offline, lalo na kung nakakawindang na online. “Take a rest from this highly engaging, and maybe overstimulating, platform,” aniya, dinagdag pang huwag basta-basta tanggapin ang lahat ng nakikita online.
Dapat umanong dalhin ang pag-uusap sa tunay na mundo, kaharap ang mga tao.
“It starts offline. Social media is a tool, it’s not my world. And that’s something that we all have to understand. I like to talk to people offline, and then bring it online,” paglilinaw ni Vela.
Makaraang mapakinggan ang mga speaker, sinabi ni Vela na napagtanto niyang “it’s really about understanding what needs to be done, and understanding what you can do about what needs to be done.”
Dinagdag pa niya: “Try to change our own little worlds, one world where you live in right now that you can change. If that’s in your family, if that’s in your school, if that’s in your ‘barkada,’ then start there.”
Related Chika:
Socmed influencer Janina Vela may patutsada sa negative campaigning
Ivana ‘2021 Top Content Creator’ ng YouTube sa Pinas; kapatid na si Hash Alawi waging-wagi rin
‘Toni Talks’ binatikos ni Xian Gaza: Cheap na ‘yung content ni Toni Gonzaga, wala nang class
Payo ni Maris sa mga aspiring content creator: Wag maging nega, gawin mo kung ano ang gusto mo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.