PATAY ang siyam na sundalo, samantalang 49 na iba pa ang sugatan matapos ang pakikipagbakbakan sa mga teroristang Maute sa Marawi City noong Biyernes. Sinabi ni Lt. Gen. Carlito Galvez, chief ng Western Mindanao Command na nakalapit ang mga terorista sa mga tropa ng gobyerno at nakapaghagis ng mga granada. Sugatan ang mga sundalo sa […]
BUHAY si Abdullah Maute, isa sa mga lider ng teroristang grupong Maute at hindi rin nasutan sa kabila ng araw-araw na operasyon ng tropa ng gobyerno sa Marawi City. Sinabi ni Agakhan Sharief, isang lider ng Moro sa komunidad na nakausap pa niya si Abdullah Maute noong Hulyo 17. “He is unhurt, but the military […]
NATUPOK ang pinakamatandang mall ng Ormoc City dahil sa sunog na hindi pa batid ang pinagmulan kaninang umaga, mahigit dalawang linggo matapos tumama ang malakas na lindol sa lungsod. Umabot ng mahigit siyam na oras bago naapula ng mga bumbero ang sunog na tumama sa Gaisano Capital, isang ektaryang lawak na mall na matatagpuan sa […]
MINASAKER umano ng isang pulis na sinibak sa serbisyo ang kanyang misis at dalawang anak bago nagpakamatay sa kanilang bahay sa Barangay Valladolid, Carcar City, sa katimugang Cebu kaninang umaga. Kinilala ang dating pulis na si Joel Lopez, na natagpuang patay malapit sa pintuan ng kanilang kuwarto na may tama ng bala sa kanyang bibig, […]
NAKAKUMPISKA ang mga pulis ng mga pakete ng shabu mula sa bahay ng isang lalaki na ginawang hostage ang kanyang ka-live in sa Dasmariñas City, Cavite. Nagtapos ang apat na oras na hostage taking ng tanghali matapos sumuko ang suspek sa mga otoridad. Wala namang nasaktan sa insidente. Kinilala ni Dasmariñas City Mayor Elpidio Barzaga […]
SINUSPINDE ang klase sa mga pampublikong paaralan sa Cebu City matapos ang serye ng bomb threat. Sinabi ni Dr. Bianito Dagatan, division superintendent ng Department of Education (DepEd) Cebu City, na inirekomenda niya ang suspensyon ng klase para maiwasan na rin na magkagulo. Ganap na alas- 8:39 ng umaga nang makatanggap ng tawag ang secretary […]
ILANG araw matapos maaksidente at isugod sa ospital, muli na namang dinala sa pagamutan si Jolina Magdangal dahil sa matinding pananakit ng kanyang likod. Ito ay ayon sa pahayag ng kanyang mister na si Mark Escueta na siyang nag-post sa Instagram account ng misis tungkol sa iniinda nitong sakit. Ayon kay Mark, isinugod muli sa […]
NAPATAY ang pinaghihinalaang drug lord na si Johnny de Leon at dalawang iba pa matapos makipagbarilan sa mga miyembro ng Quezon City Police District (QCPD) at Region 2 police sa kanyang safe house sa Barangay Pag-asa, Quezon City ngayong umaga. Bukod kay de Leon, nasawi rin ang kanyang alalay na si Arnold Manipon, 61, at […]
ARESTADO ang isang photographer ng isang diyaryo matapos maaktuhang nagbebenta ng droga sa General Santos City kagabi. Nahuli ng mga miyembro ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Soccskargen Regional Office si Richard Basilio, 42, malapit sa isang inn sa kahabaan ng Davao Road national highway sa General Santos City. Sa isang pahayag, sinabi ni PDEA […]
HUMINGI ng pang-unawa ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa publiko sa inaasahang trapik at abalang idudulot ng ikatlong metro-wide quake drill ngayong hapon. Eksaktong alas-4 ng hapon, puputulin ang signal sa cell phone, mawawalan ng suplay ng kuryente at hihinto rin pansamantala ang operasyon ng mga tren ng 45 segundo para ipakita ang magiging […]
NAGPATULOY ang airstrike ng militar sa Marawi City matapos naman itong itigil dahil sa sama ng panahon kagabi. Naghulog ang ang Philippine Air Force FA-50 planes ng apat na 500 pounds na bomba patungo sa kinaroonan ng mga miyembro ng teroristang Maute at Abu Sayyaf ganap na alas-8 kaninang umaga. Sinabi ni Lt. Col. Jo-ar […]