Airstrikes muling itinuloy sa Marawi | Bandera

Airstrikes muling itinuloy sa Marawi

- July 12, 2017 - 04:00 PM

NAGPATULOY ang airstrike ng militar sa Marawi City matapos naman itong itigil dahil sa sama ng panahon kagabi.
Naghulog ang ang Philippine Air Force FA-50 planes ng apat na 500 pounds na bomba patungo sa kinaroonan ng mga miyembro ng teroristang Maute at Abu Sayyaf ganap na alas-8 kaninang umaga.
Sinabi ni Lt. Col. Jo-ar Herrera, spokesperson ng Joint Task Force Marawi, na target ng airstrike ang tinatayang 80 miyembro ng Maute na nananatili sa loob ng Marawi City.
Nauna nang sinabi ni Pangulong Duterte na kailangan pa ng karagdagang 15 araw para matapos ang bakbakan sa Marawi.
Sa Linamon, Lanao del Norte, hiniling ng mga lokal na pamahalaan sa mga opisyal sa walong barangay na tiyakin na hindi makakapasok at makakapaghikayat ang mga terorista.
“We have to defend our municipality,” sabi ni Linamon Mayor Randy Macapil.
Samantala, sinabi ni Armed Forces Public Affairs chief, Col. Edgard Arevalo na umabot na sa 90 ang napapatay na militar sa ika-51 araw ng bakbakan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending