August 2020 | Bandera

August, 2020

McCoy, Elisse sweet na sweet sa dinner date sa yate, nagkabalikan na?

MUKHANG totoo nga ang balitang nagkabalikan na ang dating magka-loveteam na sina McCoy de Leon at Elisse Joson. Kung ang pagbabasihan ay ang mga nabasa naming komento sa larawang ipinost ni McCoy kasama ang ex-girlfriend, tila may balikan na ngang nangyari. Sa Instangram post ng binata, makikita ang dalawa na “magka-date” sa isang yate. Ang […]

India nakapagtala ng halos 80,000 bagong kaso ng COVID-19

Sa loob ng 24 na oras umabot sa halos 80,000 ang kaso ng COVID-19 sa India. Ayon sa huling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER, ang total confirmed cases ng COVID-19 sa India ay umabot na sa 3,619,169. Sa loob lang ng 24 na oras ay umabot sa mahigit 79,400 ang naitalang bagong kaso. Sa […]

Pangulong Duterte, balik Maynila; bagong PhilHealth president iaanunsyo

Matapos ang halos isang buwang pananatili sa Davao City, balik-Maynila na kagabi si Pangulong Rodrigo Duterte. Nagtungo muna sa Jolo, Sulu kahapon ang pangulo para bisitahin ang lugar kung saan naganap ang pagsabog na ikinasawi ng mahigit sampu katao. Nagsindi ng kandila, nag-alay ng bulaklak at panalangin ang pangulo. Pagkatapos ng pagbisita sa blast site, […]

Global death toll sa COVID-19 mahigit 850,000 na

Sumampa na sa mahigit 850,000 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa buong mundo. Sa huling datos ng WHO, ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa iba’t ibang panig ng mundo ay 850,544 na. Pinakamaraming naitalang nasawi pa rin sa US na umabot na sa 187,224. Sumampa naman na sa mahigit 120,000 ang […]

Vice humingi ng paumanhin sa mga nasa kulungan: Lalaya tayong muli…

  NANINIWALA si Vice Ganda na darating din ang tamang panahon na muling aariba ang ABS-CBN para makapaghatid ng saya at inspirasyon sa madlang pipol. Kasabay nito, humingi rin ng paumanhin ang TV host-comedian sa lahat ng mga kababayan nating nasa kulungan, lalo na roon sa nga napagbintangan lang sa kasalanang hindi naman nila ginawa. […]

Guidelines para sa voter registration simula bukas

Magpapatuloy na ang voter registration bukas September 1. Kaugnay nito naglabas ng mga paalala ang Commission on Elections (Comelec) sa publiko sa mga ipatutupad na health protocols sa Comelec offices. Ayon sa Comelec, ang pagpaparehistro ay maaring gawin mula Martes hanggang Sabado alas 8:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon kabilang ang mga holiday. […]

Typhoon Julian bahagyang bumilis, patungo na ng Japan – PAGASA

  Bahagyang bumilis ang kilos ng Typhoon Julian na nananatili sa karagatan ng Pilipinas. Ang bagyo ay huling namataan sa layong 710 kilometers East Northeast ng Basco, Batanes. Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 150 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 185 kilometers bawat oras. Kumikilos ang bagyo […]

Lovi star na star sa Peru, Ecuador, Kenya; Jillian susunod na Marimar?

  PINUSUAN at umani ng sandamakmak na likes at comments ang mga litrato ni Jillian Ward — ala-Marimar. Marami ang nakapansin sa look ng dating child star na dalaga na ngayon, sa ilang Instagram photos niya na kuha sa isang beach resort. Parang nakikita raw nila si Marimar sa Kapuso youngstar na unang pinasikat ng […]

What's trending