McCoy, Elisse sweet na sweet sa dinner date sa yate, nagkabalikan na? | Bandera

McCoy, Elisse sweet na sweet sa dinner date sa yate, nagkabalikan na?

Reggee Bonoan |August 31,2020
facebook
share this

McCoy, Elisse sweet na sweet sa dinner date sa yate, nagkabalikan na?

Reggee Bonoan - August 31, 2020 - 05:14 PM

MUKHANG totoo nga ang balitang nagkabalikan na ang dating magka-loveteam na sina McCoy de Leon at Elisse Joson.

Kung ang pagbabasihan ay ang mga nabasa naming komento sa larawang ipinost ni McCoy kasama ang ex-girlfriend, tila may balikan na ngang nangyari.

Sa Instangram post ng binata, makikita ang dalawa na “magka-date” sa isang yate. Ang caption ni McCoy sa larawan nila ni Elisse habang hinahagkan niya ito sa noo ay, “Always all ways.”

Binasa namin ang mga comments sa nasabing post at iisa lang ang halos sinasabi ng lahat, masaya at excited sila sa pagbabalikan ng dalawang Kapamilya stars.

Naaliw kami kay Eula Valdez sa komento niyang, “Uy, nagkabalikan!”

Sabi naman ni Melai Francisco, “McLisseeeeee (at puro heart emoji).”

“ANG SAYA KO PARA SA YO,” sabi naman ni Julia Barretto.

Komento ni Vivoree, “OMG!

Marami pang celebrities na bumati sa dalawa at nagsabing masaya sila kung totoo ngang sila na uli.

Pero siyempre nagdalawang-isip pa rin kami na baka may project lang sila dahil nasa Viva Artist Agency na si McCoy at si Elisse naman ay pinayagan nang tumanggap ng project outside ABS-CBN at Star Cinema.
Nagtanong kami sa Viva kung may project ang mag-ex.

“Wala naman akong naririnig. Last film meeting wala namang nasabi,” sabi ng isang Viva executive.

Nabanggit ding masaya ang management ng Viva dahil sila ang pinili ng aktor dahil kulang sila sa lalaking artista at marami silang naka-line up na pelikula ngayon na sakto sa pagdating ni McCoy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyway, kung totoong nagkabalikan nga ang dalawa ay iisa lang ang masasabi namin, sana for keeps na at hindi na sana iiyak si McCoy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending