India nakapagtala ng halos 80,000 bagong kaso ng COVID-19
Bandera at Radyo Inquirer - Bandera, Radyo Inquirer August 31, 2020 - 03:32 PM
Sa loob ng 24 na oras umabot sa halos 80,000 ang kaso ng COVID-19 sa India.
Ayon sa huling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER, ang total confirmed cases ng COVID-19 sa India ay umabot na sa 3,619,169.
Sa loob lang ng 24 na oras ay umabot sa mahigit 79,400 ang naitalang bagong kaso.
Sa nasabing bilang, 781,624 paang aktibong kaso, habang mahigit 2.7 million ang gumaling na.
Umabot naman na sa 64,617 ang bilang ng mga nasawi sa India.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending