Vice humingi ng paumanhin sa mga nasa kulungan: Lalaya tayong muli... | Bandera

Vice humingi ng paumanhin sa mga nasa kulungan: Lalaya tayong muli…

Ervin Santiago - August 31, 2020 - 02:09 PM

 

NANINIWALA si Vice Ganda na darating din ang tamang panahon na muling aariba ang ABS-CBN para makapaghatid ng saya at inspirasyon sa madlang pipol.

Kasabay nito, humingi rin ng paumanhin ang TV host-comedian sa lahat ng mga kababayan nating nasa kulungan, lalo na roon sa nga napagbintangan lang sa kasalanang hindi naman nila ginawa.

Sa nakaraang episode ng It’s Showtime, nakausap ni Vice ang isang “Tawag ng Tanghalan” contestant na nagsabing isa ang noontime show ng ABS-CBN sa nagsilbing inspirasyon niya noong nakakulong pa siya.

Pagbabahagi ni Alexis Ramirez,  “Noong nakakulong po kami, kwento ko na rin po. Naging officer-in-charge po ako sa isang buong dorm po na ang kalahati po ay matatanda, mental patients na nakakulong po, and mga tomboy.

“So, isa lang po ni-request nila sa akin. ‘Mayora.’ Mayora po kasi tawag nila sa akin. ‘Bilhan mo naman kami ng TV PLUS kasi ang Channel 2 po ‘yung bumubuhay po sa amin that time,” kuwento ng TNT contestant.

Aniya pa, “Kayo po ang nagpapasaya lalo na po Showtime alam na alam nila ang oras. Maalaala Mo Kaya, nagpupustahan pa po kami doon kung ano po ‘yung title po.

“Kaya kayo po ang naging ano namin du’n, pangarap namin, lalo na po ako, kayo po ang naging inspirasyon ko para makalabas at magkaroon ulit ng second chance.

“Kasi lahat po tayo naniniwala ako na may second chance in life,” positibong pahayag pa ni Alexis.

Dito na nagbigay ng kanyang mensahe si Vice, aniya, “Nakakatuwa ano, nakakaaliw na sa mga katulad mo at sa mga kasamahan mo dati sa kulungan na naging bahagi na kami ng buhay.

“Pasensiya na po hindi niyo kami nakakasama sa pagkakataong ito pero pangako po namin gumagawa po kami ng paraan para muli kaming makabalik sa mga buhay ninyo, samahan niyo kami sa pagdarasal,” ang paumanhin ng Phenomenal Box-office Star.

Dagdag pa ng komedyante,”Kung maraming empleyado nawalan ng trabaho mas maraming hindi empleyado ng ABS-CBN ang nawalan ng ngiti bukod sa trabaho, ‘yung ngiti.

“Kaya sa mga nag-aabang po sa amin pangako po gumagawa po ang ABS-CBN ng paraan and mas ma-excite tayo dahil for sure magkikita at magkikita tayo sa mas malawak at mas masayang pagkakataon,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ikinumpara pa niya ang nangyari sa ABS-CBN sa naging karanasan ni Alexis, “Di ba para tayong may pagkakapareho, ikaw at ang ABS-CBN.

“Ikaw nakulong at nagdusa ng 4 na taon dahil napagbintangan ka at wala ka naman kasalanan ‘yun din ang nangyayari ngayon sa ABS-CBN, kaya kung nakalaya ka, magdiwang tayo dahil lalaya tayong muli,” pangako pa ng TV host-comedian.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending