Hugot ni Bea sa lovelife: Alam ko na ‘yung feeling na nai-share (ang dyowa)! | Bandera

Hugot ni Bea sa lovelife: Alam ko na ‘yung feeling na nai-share (ang dyowa)!

Reggee Bonoan |August 31,2020
facebook
share this

Hugot ni Bea sa lovelife: Alam ko na ‘yung feeling na nai-share (ang dyowa)!

Reggee Bonoan - August 31, 2020 - 05:43 PM

ANG cast ng pelikulang “One More Chance” na sina Dimples Romana, Ahron Villena, Janus del Prado, Beatriz Saw at Bea Alonzo ang latest guests ni Cathy Garcia-Molina sa kanyang Nickl Entertainment YouTube Channel.

Ang nasabing pelikula ay ipinalabas noong 2007 na idinirek ni direk Cathy kung saan sumikat ang mga karakter na Popoy at Basha nina Bea at John Lloyd Cruz na kahit 13 years ago na ang lumipas ay hindi pa rin nalilimutan ng mga nakapanood nito.

Nagpaliwanag muna si direk Cathy kung bakit hindi kasama si Popoy sa tanungan portion.

“Maraming nagtatanong asan daw si Popoy at saka si Kenneth (James Blanco), meron po silang sariling date (petsa). May problema lang po sa schedule,” paliwanag ni direk Cathy.

Hirit ni Bea, “Dapat ano na lang phone patch.”

“Oo nga phone patch,” sabi naman ni Janus.

Hirit ni direk Cathy, “Bakit ako? Hindi nga ako sinasagot.”

Hanggang sa sumilip ang bunsong anak ni Dimples na si Alonzo na bungi ngayon dahil nagpalit na ng ngipin.

Mabilis na sabi ni Bea, “Dapat hinagis sa bubong ‘yung natanggal (na ngipin).”

Hindi nakapagsalita ang lahat at nagtataka sa sinabi ni Bea na tawa nang tawa.

“Asan era ka na ba, toothfairy na ngayon,” sabi naman ni Beatriz.

Nangatwiran si Bea, “Bakit ba, sa Taguig (nakatira) nu’ng bata ako ilalagay sa bubong ‘yung ngipin para kunin ng daga para mabalik kaagad.”

Halos lahat ay iisa ang tanong, “Ano ‘yung daga?”

Sagot ni Bea, “Bakit ako lang ang nakakaalam? Hindi na ako hihirit buong episode.”

Anyway, ito ang unang tanong sa grupo, “What is something you refuse to share?”

Sumagot kaagad si Dimples, “Husband.”

Sabi ni Bea, “Oo naman, bakit mo naman ise-share?” Sabay sabing, “I refuse to share my toothbrush.”

Biro ni direk Cathy kay Bea, “Ayaw mo lang gayahin ‘yung (sagot ni Dimples) dyowa, eh.”

“Direk kasi alam ko na ‘yung feeling na nai-share. Dapat hindi nagsi-share,” katwiran ni Bea.

Nagkatawanan ang lahat at si direk Cathy ay halos hindi na makasalita sa katatawa, si Dimples naman ay nagtakip pa ng mukha sa katatawa

Say ni Janus, “Oh, my God!”

Say naman ni Beatriz, “Direk pagkain. Naalala mo nu’ng sa ‘Second Chance’ sa bahay mo Bea Alonzo nagpa-boodle fight at hindi na ako umiimik kasi kumakain ako hanggang sa papunta sa premiere as in busog na busog ako.”

“Grabe, direk kung titingnan mo siya ang payat niya pero grabe isang bundok ng crabs ‘yung kinain niya (sabay muwestra) hindi nakikita,” pambubuking ng bida ng pelikula.

“Hindi nga namin natikman ‘yung crabs, kasi sinolo ni Beatriz,” hirit ni Janus.

Ang ikalawang tanong ay, “Anong pangarap mo noong bata ka na nagkatotoo?”

“Ako talaga pag-aartista, pinangarap ko tapos nagkatotoo,” kaswal na sabi ni Bea.

“Ah talaga pangarap mo?” say ni direk Cathy.

“Opo, dream ko, real talk. Pag tinatanong ako nu’ng bata ako sabi ko, ‘I want to be an actress!’ Wala na akong ibang sinasabi talaga. Ha-hahaha! Ang baduy ko,” pagtatapat ni Bea.

“Very good natupad,” sambit naman ng direktora. “‘Yung isang Bea (Saw), anong pangarap mo?”

“Direk gusto ko dati magkaroon ng bahay na may balkonahe. Kaya ngayon nakikita ko, sabi ko talaga ‘thank you Lord!’” pag-amin ni Bea Saw.

Si Ahron naman, “Ako direk sasakyan talaga.”

Ang pagkakaroon ng pamilya ang pangarap ni Dimples, “Eversince talaga gusto kong magkapamilya, natupad naman, alam ni Bea ‘to.
“Gusto kong mapag-isa,” say naman ni Janus.

“Seryoso? Pangarap mo talaga?” tanong ni direk Cathy sa aktor.

“Yes direk, gusto kong mapag-isa, hindi mag-isa ha. Wala, e, katulad kay Dimples gusto kong magka-family, hindi pa natutupad. E, walang gustong magpalahi direk (kunwa’y umiiyak),” pahayag ni Janus.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At si direk Cathy, “Ako siyempre ang pangarap ko ay to be a housewife and a mother to my children, ito malapit nang matupad kasi pa-last na ang contract so malapit na (matupad).”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending