INUTUSAN ng Department of Transportation ang mga domestic shipping companies na ilaan ang hindi bababa sa 12 porsyento ng kanilang cargo capacity sa mga agricultural at food products. Sa inilabas na Department Order 2020-007, inatasan din ni Sec. Arthur Tugade ang mga domestic shipping lines na magbigay ng 40 porsyentong discount sa mga isasakay na […]
UMAPELA si Quezon City Rep. Precious Hipolito Castelo sa Inter-Agency Task Force na payagan ng makauwi sa bansa ang mga overseas Filipino workers na mayroon ng ticket sa eruplano, exit visa at permit mula sa kanilang employer. Ayon kay Castelo aabot sa 16,000 OFW ang nais na makauwi ng bansa subalit hindi binibigyan ng clearance […]
DALAWANG lalaki na wanted umano sa magkakahiwalay na kaso ang naaresto sa Quezon City. Si Jeff Lester Evangelista, 29, construction worker at ng Brgy. Sto Domingo, ay number 6 umano sa Most Wanted Persons list ng Police Station 1 ng Quezon City Police District. Siya ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas […]
NIYANIG ng magnitude 4.1 lindol ang Davao Oriental kanina. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-8:33 ng umaga. Ang epicenter ng lindol ay siyam na kilometro sa silangan sa bayan ng Baganga. May lalim itong 33 kilometro. Nagdulot ito ng Intensity I paggalaw sa Bislig City, Surigao del Sur.
HUMINGI na ng ayuda ang TV host-comedian na si Vice Ganda kay Manila Mayor Isko Moreno para sa mga LGBTQIA+ members na inaresto ng mga pulis nitong Biyernes. Ayon kay Vice, hindi makatarungan ang ginawang pag-aresto at pag-disperse ng mga otoridad sa mga lumahok sa Anti-Terror Bill Pride March na ginanap sa Mendiola, Manila Inakusahan […]