NIYANIG ng magnitude 4.1 lindol ang Davao Oriental kanina.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-8:33 ng umaga.
Ang epicenter ng lindol ay siyam na kilometro sa silangan sa bayan ng Baganga. May lalim itong 33 kilometro.
Nagdulot ito ng Intensity I paggalaw sa Bislig City, Surigao del Sur.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending