TATLONG kasapi ng Abu Sayyaf ang napatay at limang sundalo ang nasugatan sa engkuwentro sa Patikul, Sulu, Sabado ng umaga, ayon sa militar. Narekober ang bangkay ng isa sa mga napatay na bandido, pati ang kanyang assault rifle, ayon kay Maj. Arvin Encinas, tagapagsalita ng Armed Forces Western Mindanao Command. Unang nakasagupa ng Army 21st […]
SUMULAT si San Juan Mayor Francis Zamora sa city council upang hilingin na alisin ang ipinatutupad na liquor ban sa lungsod. Hiniling ni Zamora sa konseho na isama ito sa agenda ng Regular session ng Sangguniang Panlungsod sa Lunes. Noong Marso 31 ipinatupad ang liquor ban sa lungsod bilang bahagi ng mga hakbang upang maiwasan […]
NADAGDAGAN ng lima ang bilang ng mga overseas Filipino workers na nasawi dahil sa coronavirus disease 2019. Ayon sa datos na inilabas ng Department of Foreign Affairs mas marami ang bilang ng mga gumaling kumpara sa nadagdag sa bilang ng mga nahawa ng COVID-19. Ito ang ika-apat na araw na mas marami ang gumaling kaysa […]
BUMILIS ang usad ng bagyong Ambo habang papalabas ng bansa, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration. Umakyat sa 30 kilometro bawat oras ang bilis nito patungong hilaga. Ang hangin nito ay may bilis na 65 kilometro bawat oras at pagbugsong 80 kilometro bawat oras. Alas-4 ng hapon kanina ang bagyo ay nasa […]
SAMPUNG frontliners ng Valenzuela City ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019. Ito ang sinabi ni Sen. Sherwin Gatchalian sa kanyang social media post kanina. “Disturbing news – we found out that 10 members of our Valenzuela frontliners tested positive under our mass testing program,” nai Gatchalian. Wala umanong sintomas ang mga ito. “All are asymptomatic. […]
MAY new normal na rin sa inuman sa Marikina City. Ngayong araw ay inalis na ng City government ang liquor ban na ipinatupad nito sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine. Pinirmahan ni Mayor Marcy Teodoro ang ordinansa na nag-aalis ng pagbabawal matapos sumailalim ang lungsod sa Modified ECQ. Hindi pa rin pinapayagan ang pag-inom sa […]
PAPAYAGANG magtinda ang mga street vendors sa lugar na nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine, ayon sa Palasyo. Sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque kung papayagan ang paglabas ng ilan para mag ehersisyo, puwede rin ang pagtitinda basta mababantayan pa rin ang social distancing. “Alam niyo kasi kung pinapayagan na yung paglabas ng bahay […]
ARESTADO ang 50-anyos na lalaki na nahulihan umano ng 15 sachet ng shabu sa Quezon City kahapon. Naaresto ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) si Vincent Aduan, vegetable porter, at ng Brgy. San Roque sa isang buy-bust operation alas-4:40 ng hapon sa Camarilla st., Brgy San Roque. Nagkakahalaga ng P40,800 ang halaga ng shabu na […]
ISANG tao ang nasawi at tatlo pa ang nawawala sa magkakahiwalay na insidente ng pagkalunod sa mga bahagi ng Cagayan River na nasa lalawigan ng Isabela. Pinaniniwalaang dulot ng bagyong “Ambo” ang dalawa sa mga insidente, kung saan nawala sina Rex Ferndez, 20, at Robin Angoluan, 44, ayon sa ulat ng Isabela provincial police. Naganap […]