Internet star Ms. Everything nabiktima ni ‘Ambo’, pinahanap ni Angel
AS expected, busy naman ngayon si Angel Locsin sa pagbibigay ng tulong sa mga nabiktima ng Bagyong Ambo sa Western Samar.
Unang inalam ng Kapamilya star ang lagay ng internet sensation na si Ericka Camata, o mas kilala ngayon sa social media bilang si Ms. Everything.
Nakarating kay Angel ang viral post ni Ms. Everything sa Twitter kung saan makikita ang bahay nilang nasira nang bagyuhin ang lugar nila sa Samar ng typhoon Ambo.
Caption ni @msEverything36 sa kanyang Facebook post, “Our home. We our safe no worrying everyone.”
Sa isang video, ipinakita rin niya kung gaano sila naapektuhan ng bagyo. Aniya, “Look at my house because it’s very-very ruined.”
Medyo paos din siya habang kinukunan ang video, “Why is that my voice is so very-very awareness. My voice is so very-very awareness, because last night I’m here! I’m here in this house, then I shout out. I shout out and then [I] run away.”
Nang mabasa ito ni Angel, agad nagtanong ang aktres ng, “Saang lugar po kaya?”
Sinundan pa niya ito ng, “Anong brgy po kaya?” Ilang saglit lang ay may isang netizen ang sumagot sa kanya, “Sa Brgy. Carayman, Calbayog City.”
Reply naman ng aktres, “Sure po ito? Salamat.”
Habang sinusulat ang balitang ito ay wala pang update kung ano ang tulong na ipinaabot ni Angel kay Ms. Everything pero siguradong ikinatuwa niya na mismong si Darna pa ang naghanap sa kinaroroonan niya para matulungan.
Bukod dito, nag-iisip na rin ang aktres kung paano maihahatid ang ayuda sa iba pang nasalanta ng bagyong Ambo.
Tweet ni @Ner_BaL na tinag pa sina @143redangel at @msEverything36, “The whole samar has been devasted north, east and west samar. as of now most of the three provinces doesn’t have electricity at cellular signal.
“Haven’t heard from my family in northern samar since yesterday. mala yolanda daw ang lakas ng hangin,” aniya pa.
Sagot naman ni Angel, “Mahirap nga makakuha ng update sa area. Sana safe ang family mo.”
* * *
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.