NATUPAD ang isa sa mga birthday wish ni Yassi Pressman – ito ay ang magkaroon ng mas malaking sasakyan para magamit sa kanyang trabaho pati na rin ng kanyang pamilya kapag may outing sila. Nabili ni Yassi ang isang Hyundai H350 van naba-litang nagkakahalaga ng mahigit P2.5 million. Ipinost ng dalaga sa Instagram ang litrato […]
MAGSASAMA-SAMA sa gaganaping “Nominees Night” ang mga nominado sa 14 kategorya ng 2nd EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) bago ang pinakaaabangang gabi ng parangal. Sa pakikipagtulungan ng Film Development Council of the Philippines, Globe, OneMega Group at Wish 107.5 FM station, rarampa ang mga nominado sa idaraos na “Nominees Night” sa June 3, 5 p.m., sa […]
HINDI man lamang nadungisan bagaman may ilang mapupulang bahagi sa mukha si Jerwin Ancajas matapos matagumpay na maipagtanggol ang kanyang hawak na International Boxing Federation (IBF) junior bantamweight title sa pinakaunang salpukan ng dalawang Pilipinong boxer makalipas ang 93 taon Linggo sa Save Mart Arena sa Fresno, California, USA. Itinala ng kaliwete mula sa Panabo […]
PATAY si Buenavista Mayor Ronald “Sampol” Tirol matapos pagbabarilin sa loob ng sabungan ngayong Linggo. Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa likod ng pag-atake ngunit ayon kay Police Chief Insp. Rully Lauron, chief ng Buenavista Police Station, posibleng politika at personal ang motibo sa pamamamaril. Pinatay si Tirol, 38, habang nakaupo sa isang sulok […]
KINONDENA ng Kabataan Partylist ang pagpayag ng Department of Education na magtaas ng matrikula ang maraming pribadong eskuwelahan sa Kamaynilaan. Ayon kay Kabataan Rep. Sarah Elago 170 paaralan sa elementarya at high school ang pinayagan na magtaas ng matrikula. Sa mga eskuwelahang ito 36 ang nasa Maynila at 51 sa Quezon City. “Note that this […]
NIYANIG ng magnitude 3.5 lindol ang Leyte kaninang umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology. Naramdaman ang lindol alas-10:20 ng umaga. Ang sentro nito ay apat na kilometro sa kanluran ng Capoocan, Leyte at may lalim na 10 kilometro. Nagdulot ito ng Intensity I sa Ormoc City.
ISANG mananaya sa Cavite ang nanalo ng P15.8 milyong jackpot prize ng Mega Lotto 6/45 sa bola Biyernes ng gabi. Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office ang nanalo na tumaya sa bayan ng Noveleta ang nag-iisang tumaya sa winning number combination na 34-12-22-15-20-27. Ang nanalo ay tumaya sa Puregold Noveleta. Nanalo naman ng tig-P21,740 ang […]