Sa gitna ng paghahanap ng pondo ng Duterte government, ipinasisilip ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang kita ng mga eskuwelahan na pinatatakbo ng Simbahan. Kahapon ay humarap ang economic managers ng Duterte administration sa pagdinig ng House committee on ways and means kung saan tinanong sila ni Alvarez. Ayon kay Alvarez maraming private schools na […]
Nasawi ang isang ginang at ang 3-anyos niyang kambal na anak habang anim pa katao ang nasugatan, nang sumemplang ang sinakyan nilang jeepney sa San Fernando, Bukidnon, ayon sa pulisya. Nasawi ang pasaherong si Marites Geolagao, 26, at mga anak niyang lalaki na sina JB at JC, sabi ni SPO4 Vernie Corpuz, imbestigador ng San […]
INAMIN ni retired SPO3 Arturo Lascañas na personal niyang pinatay ang 200 katao nang siya pa ay miyembro ng Davao Death Squad (DDS). “Kung sa DDS lang po, (it started in 1989), sabihin na lang natin na mga almost 200,” sabi ni Lascañas. Kasabay nito, inamin din ni Lascañas ang kanyang naging partisipasyon sa pagpatay […]
Anim katao ang nasawi habang tatlo pa ang nasugatan nang sumalpok ang isang trak sa kabahayan at motorsiklo sa hangganan ng Malinao at Tabaco City, Albay, Linggo ng hapon. Kabilang sa mga nasawi ang driver ng trak na si Orlando Campo at mga helper niyang sina Rommel Nantes at James Romero, ayon sa ulat ng […]
TINANGGAP na ni Pangulong Duterte ang pagbibitiw ni Pag-IBIG Fund President at CEO Darlene Marie B. Berberabe. Itinalaga naman ni Duterte bilang officer-in-charge (OIC) ng Home Development Mutual Fund (HDMF) si Acmad Rizzaldy Moti. Ipinaalam ni Executive Secretary Salvador Medialdea kay Moti ang kanyang pagkakatalaga bilang OIC noong Pebrero 28, 2017. Si Berberabe ay […]
Inaasahang aabot sa P215 milyon ang jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 sa bola bukas ng gabi (Martes). Ayon kay Alexander Balutan, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, walang tumaya sa winning number combination na 21-34-58-14-57-09 na lumabas noong Linggo. Umabot sa P32.2 milyon ang halaga ng itinaya para sa naturang bola. Sa bawat […]
MAGING si Philippine National Police chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa ay inutusan ng noon ay Davao City Mayor Rodrigo Duterte na pumatay ng tao, ayon sa testimonya ng retiradong pulis sa pagdinig ng Senado kahapon. Sinabi ni retired SPO3 Arturo Lascañas na nakatrabaho niya si dela Rosa sa pagtarget sa pinaka wanted na […]
SINABI ngayon ng umaming lider ng Davao Death Squad (DDS) na si retired SPO3 Arthur Lascañas na binigyan siya ng karagdagang P1 milyon ng noon ay Davao City Mayor Rodrigo Duterte bilang pabuya sa pagpatay sa brodkaster na si Jun Pala noong 2003. Sa kanyang testimonya sa pagdinig ng Senate committee on public order, idinagdag […]
ISANG babaeng kadete ang nanguna ngayong taon sa mga magtatapos sa Philippine Military Academy (PMA). Numero uno si Cadet First Class Rovi Mairel Martinez, ng Cabanatuan City, sa 167 miyembro ng Sanggalang ay Lakas at Buhay Para sa Kalayaan Ng Inang Bayan (SALAKNIB). Pitong iba pang babaeng kadete ang nasa Top 10 kabilang na sina […]