Jeepney sumemplang: Ginang, kambal na anak patay; 6 pa sugatan  | Bandera

Jeepney sumemplang: Ginang, kambal na anak patay; 6 pa sugatan 

John Roson - March 06, 2017 - 05:05 PM
BUKIDNON Nasawi ang isang ginang at ang 3-anyos niyang kambal na anak habang anim pa katao ang nasugatan, nang sumemplang ang sinakyan nilang jeepney sa San Fernando, Bukidnon, ayon sa pulisya. Nasawi ang pasaherong si Marites Geolagao, 26, at mga anak niyang lalaki na sina JB at JC, sabi ni SPO4 Vernie Corpuz, imbestigador ng San Fernando Police. Malubhang nasugatan si Mischelle Intes, 12, habang lima pang pasahero ang nagtamo ng bahagyang pinsala. Naganap ang insidente dakong ala-1:45 ng hapon Sabado sa isang pababa at kurbadang bahagi ng kalsada sa Brgy. Little Baguio. Minamaaneho ni Danie Coquilla ang pampasaherong jeepney (MDS-507) mula Valencia City patungong San Fernando proper, nang rumampa ito sa mga nakatambak na materyales at tumagilid pakanan. “Ang cause po ng aksidente, nawalan ng preno ‘yung jeepney [kaya] tumagilid at nagtuluy-tuloy doon sa corner,” sabi ni Corpuz nang kapanayamin sa telepono. Isinugod si Intes sa Bukidnon Provincial Hospital-San Fernando ngunit kinailangang ilipat sa isa pang pagamutan sa Valencia City dahil sa nabaling braso, anang pulis. Dinala din sa ospital ang lima pang pasahero, na nagtamo ng bahagyang pinsala. Boluntaryong sumuko si Coquilla at kasalukuyang nasa kostudiya ng San Fernando Police para sa karagdagang imbestigasyon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending