Motor Archives | Page 2 of 7 | Bandera

Motor Archives | Page 2 of 7 | Bandera

Habal-Habal franchise

DUMARAMI ang mga namamasadang habal-habal lalo na sa probinsiya. Noong una ginagamit lamang ito para makapagbiyahe sa mga malalayong lugar na mahirap puntahan ng mga karaniwang pampublikong sasakyan. Pero dahil sa matinding trapik, mayroon nang namamasadang ganito sa mga lungsod. Pero kuwestyunable ng operasyon ng habal-habal dahil hindi tulad ng tricycle walang permiso ang pagbiyahe […]

Helmet iparehistro para makakuha ng lisensya

IPINANUKALA sa Kamara de Representantes ang pagpaparehistro ng helmet bago makakuha ng lisensya para makapagmaneho ng motorsiklo. Sa ilalim ng House bill 3703 ni Paranaque Rep. Eric Olivarez gagawin ng prerequisite o requirement ang pagpaparehistro ng helmet ng mga tao na kukuha o mag-re-renew ng lisensya. “The bill shall specifically delve into motorcycle-related accidents considering […]

Maingay na tambutso

SA mga tambayan ng mga tricycle driver sa Antipolo, mayroong nabuong teorya mas ma- tibay daw ang mga motorsiklo na maingay. May nagsasabi naman na mas maganda yung maingay na motorsiklo para napapansin ka ng ibang motorista at hindi ka mabangga. Pero kung ang gusto mo ay marinig ka ng ibang motorista, mas makabubuti siguro […]

Bawal na magsakay ng bata sa motorsiklo

ISA nang ganap na batas ang Children’s Safety on Motorcycles Act of 2015 (Republic Act 10666) na naglalayong proteksyunan ang mga bata na isinasakay sa motorsiklo. Pinirmahan na ni Pangulong Aquino ang batas at inatasan ang Department of Transportation and Communication (DOTC) na siyang gumawa ng Implementing Rules and Regulations para sa pagpapatupad nito. Sa […]

Huli na, multa pa

MARAMING rider ang nagtatanong tungkol sa huli. Noong Hunyo 2, 2014, inilabas ng Department of Transportation and Communication ang Joint Administrative Order 2014-01 kung sana binago ang mga multa sa iba’t ibang paglabag. Pero hindi dapat ipagkamali ang pagbabago sa mula ay para sa lahat. Ang mga lokal na pamahalaan kasi ay nagpapatupad din ng […]

Suspensyon ng helmet law

NAGHAIN ng panukala si Zamboanga Rep. Celso Lobregat upang bigyan ng kapangyarihan ang mga lokal na pamahalaan na suspendihin ang pagpapatupad ng Motorcycle Helmet Act of 2009 (RA 10054). Ayon kay Lobregat hindi nakikilala ang mga kriminal na gumagamit ng motorsiklo dahil nakasuot sila ng helmet. “While this amendatory bill recognizes the importance of protective […]

Overloading

HINDI dahil marami ang gumagawa, ibig sabihin ay tama. Marami tayong nakikitang motorsiklo na hindi lamang dalawa ang sakay na pasahero. At meron din naman na masyadong marami ang dala-dala. May nagdadala ng sako ng bigas, ang ilan ay parang Christmas tree na sa sobrang dami ng nakasabit. Pero ayon sa page 10 ng Joint Administrative […]

Mausok na Tambutso

MAGING four-stroke o two-stroke man ang iyong motorsiklo, hindi magandang senyales ang labis na usok kaya hindi ito dapat na pabayaan at ipagwalang-bahala. May mga pagkakataon na pinapabayaan lamang ito dahil normal lang naman na may usok ang sasakyan. Ang usok ay indikasyon na hindi tumatakbo ng tama ang makina. Kadalasan kasi na ang usok […]

Tune-up

Tanong ng isa nating texter: Tuwing kailan ba dapat magpa-tune up ng motorsiklo? Maraming motorcycle  rider na Pinoy ang sakay na lamang nang sakay sa kanilang kabayong de gulong. Habang umaandar pa ay sige lang nang sige. Minsan kahit na mayroong ibang naramdaman habang minamaneho ang motorsiklo ay binabalewala lamang ito. Kapag madalas na ikaw […]

Karburador vs Fuel Injection

MAY nagtatanong ano daw ba ang mas magandang motorsiklo, ang de-karburador o fuel injected. May mga nagsasabi na mas maganda ang performance ng may karburador kahit pa sabihin na luma ito na tinututulan naman ng ilan. Ang karburador at ang fuel injection ay parehong nagdadala ng hangin at gasolina sa makina na kailangan upang malikha […]

Kailangan bang mag-warm up?

KALIMITAN nating naririnig na ang mga diesel o mga sasakyang tumatakbo lamang sa diesel ang kailangan ng warm up. Ang mga makina na tumatakbo sa gasolina ay puwede na daw paharurutin kaagad. Mabilis masunog ang gasolina kumpara sa diesel kaya daw ganito. Sa mga online forums, maraming beses na rin itong napag-usapan. At ang kalimitang […]

Previous           Next
No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending