Huli na, multa pa | Bandera

Huli na, multa pa

Leifbilly Begas - May 20, 2015 - 02:00 AM

motor for site

MARAMING rider ang nagtatanong tungkol sa huli.

Noong Hunyo 2, 2014, inilabas ng Department of Transportation and Communication ang Joint Administrative Order 2014-01 kung sana binago ang mga multa sa iba’t ibang paglabag.

Pero hindi dapat ipagkamali ang pagbabago sa mula ay para sa lahat. Ang mga lokal na pamahalaan kasi ay nagpapatupad din ng sarili nilang multa kaya may pagkakaiba sa ipinapataw na halaga ng Land Transportation Office at ng local traffic enforcer.

Kung magmamaneho ka ng walang lisensya, expired na lisensya, suspended na lisensya o may lisensya ka nga pero hindi akma ang restriction sa minamanehong sasakyan ang multa ay P3,000.

Hindi ka rin maaaring makakuha ng lisensya (kung wala) o bagong lisensya (kung expired) sa loob ng isang taon mula sa araw na binayaran mo ang multa.

Kalimitan sa mga tanong na ipinadala sa Bandera ay magkano ang multa kung walang helmet o walang suot na helmet ang iyong backride. Ayon sa JAO 01, ang multa ay P1,500 sa unang paglabag, P3,000 sa ikalawa at P5,000 sa ikatlo at susunod pa.

Ganito rin ang multa kung ang helmet na suot mo ay walag Import Commodity Clearance. Kung hindi naman rehistrado ang minamaneho mong motorsiklo o kung expired o suspendido ang rehistro, ang multa ay P10,000.

Ganito rin ang multa kung invalid ang registration na nangyayari kapag nagpalit ng makina, engine block o chasis ng hindi nakikipag-ugnayan sa LTO.

Ang hindi rehistradong sasakyan ay ilalagay din sa impounding area at mananatili roon hanggang sa mabayaran ang multa at penalty nito.Kung hindi nakarehistro ang ipinalit na makina ng sasakyan, isang taon ang impounding period nito.

Dapat ding maghinay-hinay sa pag-modify ng motorsiklo dahil mayroong mga pagbabago na dapat ipaalam sa LTO gaya ng pagpapalit ng kulay ng sasakyan. Ang multa sa paglabag na ito ay P5,000.

MAY katanungan ka ba tungkol sa iyong motorsiklo? May tips ka kung paano pangalagaan ang iyong motor?   I-text sa 0917-8446769 o  i-email sa [email protected]

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending