Kailangan bang mag-warm up? | Bandera

Kailangan bang mag-warm up?

Leifbilly Begas - January 14, 2015 - 03:00 AM

motor for site
KALIMITAN nating naririnig na ang mga diesel o mga sasakyang tumatakbo lamang sa diesel ang kailangan ng warm up.
Ang mga makina na tumatakbo sa gasolina ay puwede na daw paharurutin kaagad.

Mabilis masunog ang gasolina kumpara sa diesel kaya daw ganito. Sa mga online forums, maraming beses na rin itong napag-usapan. At ang kalimitang payo, wala namang masama kung paaandarin mo na ang iyong motorsiklo ilang minuto bago ka umalis.

Kapag nakahinto kasi ang motorsiklo, ang langis na nasa makina ay bumababa. Kung patatakbuhin mo kaagad ang iyong kabayo, pagka-start nito, may mga bagay sa loob ng makina na hindi pa nadadaluyan ng langis.

At alam naman natin kung ano ang nangyayari sa dalawang bakal na nagkikiskisan dahil walang langis. Maaari rin na mapapansin ng isang rider na mabigat ang takbo ng kanyang motorsiklo kapag pinatakbo niya ito ng hindi pa mainit ang makina.

Sa mga review sa makina, sinasabi na kulang ang inaasahang lakas ng makina ng motorsiklo kung hindi ito na-warm up ng tama lalo na kung ito ay mayroon pang karburador o hindi fuel injected.

Habang nagwa-warm up, huwag munang irebolusyon ang motorsiklo upang matiyak na malalagyan ng langis ang mga gumagalaw na piyesa sa loob ng makina.

Ang tagal ng warm-up ay dumedepende rin sa temperatura ng panahon. Kung mas malamig, natural na mas matagal ang warm-up time. Iba’t iba rin ang dami at uri ng langis na inilalagay sa makina at isa ito sa mga dapat na ikonsidera.

Ang lapot ng langis ay nakaka-apekto rin sa bilis nitong makapunta sa mga moving parts ng makina. Ilang rider ang mas gusto na nakikitang umangat ang kamay ng temperature gauge ng kanilang sasakyan bago ito paandarin.

Mayroong ilan na ang gusto ay umalis kaagad pag-andar ng motorsiklo upang hindi maaksaya ang gasolina. Pero mababa lang ang konsumo ng motorsiklo, kaya nga marami ang gumagamit nito, matipid.

Baka mas malaki ang gastusin kung mapapadali ang buhay ng makina dahil sa pagtitipid sa gasolina.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending