ITO ang mahigpit na ipinatutupad sa mga barkong naglalayag kapag isyu na ng alcohol ang nasasangkot. Ayon kay Engr. Peter Lugue, Assistant Vice President for Crewing Operation ng Philippine Transmarine Carriers (PTC), di naman ipinagbabawal ang pag-inom ng crew ng barko, ngunit kailang gawin ito kung off-duty lamang ang ating marino at may limit lamang. […]
TRABAHO at kumita ang dahilan ng ating mga kababaihan sa kanilang pag-aabroad, kahit may nakaambang panganib. Ngunit ang pang-aabuso at kalupitan ng dayuhang employer ang nagtutulak sa kanila na bumalik na lang sa Pilipinas. Nasa Dubai si Rhodora Victorino. Nakapagpadala siya ng mensahe sa Facebook account ng Bantay OCW. Hiling niya mapauwi na siya sa […]
ISANG hindi makatarungang paglabag sa kontrata at pagmamaltrato ng isang employer sa kanyang employee ang inilapit sa Bantay OCW ng isang OFW sa Romania si Jeanet Relucio. Ayon sa kanya, hindi nasunod ang napagkasunduang kontrata. Kulang at hindi sapat ang pinapasahod sa kanya upang ipangtustos sa pamilya niya sa Pilipinas. Pinagtatrabaho siyang higit pa sa […]
APLIKANTE patungong Kuwait si Amancia Calvo bilang hospital cleaner. Dati nang cleaner din ngunit ngayon ay supervisor na ang recruiter ni Amancia. Nasa P29,400 ang kabuuang halagang hinihingi niya bilang placement fee. Direct hiring daw ang proseso ng kanilang pagkuha ng mga OFW sa Pilipinas. Nagpadala na si Amancia ng halagang P14,700 noong May 26, […]
UMIIYAK na nagreklamo sa Radyo Inquirer ang magkapatid na sina Shaie at Claire hinggil sa pagkakakulong ng isa pa nilang kapatid na babae na si Princess Ann Mendoza sa Saudi Arabia. Pinagtulungan umano ng tatlong mga Pinay din at kasamahang janitress si Princess. Ikinulong ito sa isang stock room at doon pinagbubugbog ng tatlo. Nanlaban […]
REKLAMO ni JA sa Bantay OCW, kasal sila ng mister na seaman at may isang anak. Ngunit nang bumaba ito ng barko noong Hunyo 29, 2013, hindi na ito umuwi sa kanila. Nabalitaan niyang kumabilang-bahay ito, meaning, sa ibang babae umuwi. At may anak na pala ito sa naturang babae. Iyon din ang dahilan kung […]
PATULOY ang pambibiktima ng maraming mga illegal recruiter na binansagan ng Bantay OCW bilang mga KKK. Sila ang mga kamag-anak, kaibigan, kapitbahay, ka-barangay, kaklase, kumpare, kumare at maging mga ka-tong-its ng mga kababayan nating walang awang nanloloko sa kanilang mga biktima.Hindi lamang dito sa Pilipinas nangyayari ang mga lokohang ito, kundi maging sa ibayong dagat […]
SA loob ng 17 taon paglilingkod ng Bantay OCW sa ating mga OFW at kanilang mga kamag-anak, nakatataba ng puso at lalo kaming inspiradong makatulong pa kapag nakatatanggap kami ng mga mensaheng nagmumula sa ating mga OFW saan man sila naroroon. Tulad na lamang ng ipinadalang mensahe ni Ana Mendoza sa Facebook account ng Bantay […]
NAGPADALA ng mensahe sa Facebook si Gliz Guinto, ina ng OFW hinggil sa suweldong tinatanggap ng kanyang anak. Aniya, dapat ay $400 USD ang tanggapin ng anak ngunit 9,000 lamang sa halaga ng piso ang ibinibigay ng amo nito. Nais na lamang ‘anyang umuwi ng kanyang anak. Gayong hindi nabanggit ni Gliz kung nasaang bansa […]
NAGTUNGO sa Radyo Inquirer si Maricel, may-bahay ng seaman. Second (2nd) Mate sa barko ang kanyang mister at nakasuntukan umano nito ang kapwa marino na isa namang Third Mate. Sumbong ni Maricel, ayon sa asawa, hindi man lamang daw ipinatawag ng kanilang kapitan ang kanyang mister pati na ang nakaaway nito upang alamin ang buong […]
MASAYANG ibinalita ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz ang pagbibigay ng extension ng Kaharian ng Saudi Arabia sa pagpapabalik ng mga ilegal na dayuhan na nananatili pa sa kanilang bansa. Nag-alala ang mga kamag-anakan ng ating mga OFW at mga kababayan nating ilegal na nanatili sa Saudi. Kaya’t nakahinga sila nang maluwag nang pumayag ang Saudi […]