HINDI na bago ang balitang may bibitayin sa China dahil sa pagpupuslit ng droga. Paglilinaw lang, hindi sila mga OFW na nagtutungo sa abroad upang magtrabaho roon. Bumibiyahe sila bilang bilang mga turista na may dalang droga at binabayaran sila ng malaking halaga kapalit ng kanilang serbisyo. Hindi talaga nadadala ang ating mga kababayan na […]
UNANG lumapit sa Bantay OCW si Feliza Ibamit nang ni-recruit siya ng kababayan nating nasa Italya upang magtrabaho doon. Malaking halaga ang ipinadala niya sa OFW na umaktong recruiter, illegal nga lang. Tatlong taong naghintay si Feliza, pero walang nangyari. Hindi na nga siya nakaalis, patuloy pa rin siyang hinihingan ng pera sa Italya upang […]
NAGTATANIM na lang ng mga gulay si Erlinda Espenida, OFW mula Jeddah, Kingdom of Saudi Arabia, hindi lamang upang may makain sa ibayong-dagat kundi upang mayroong maipamahagi rin sa mga kapwa OFW roon. Ang dahilan? Hindi ibinibigay o hindi kasi sapat ang pasahod mula sa dayuhang employer. Buhay na buhay sa kanila ang espiritu ng […]
SINERYOSO ng Department of Foreign Affairs ang napabalitang “sex-for-fly” scheme. Mismong si Secretary Albert del Rosario ang nagtungo sa tanggapan ni Akbayan Rep. Walden Bello matapos ang pagbubunyag nito na ang mga opisyal ng embassy o consulate ang “gumagamit” o nakiki-pagtalik diumano sa ating mga kababaihan kapalit ng kanilang plane ticket pauwi ng Pilipinas. Pinangalanan […]
MAGSASAMPUNG-taon nang OFW sa Hongkong ang single mother na si Maribel. May tatlong anak at matagal nang hiwalay sa asawa.. May isa nang mag-aaral sa kolehiyo ngayong pasukan. Kaya’t Disyembre pa lamang noong nakaraang taon, pinakiusapan ang dalawang anak na nag-aaral sa high school na lumipat na muna sa pampublikong paaralam ngayong pasukan. Kampante si […]
REGULAR na reader ng Inquirer si Christina Rosales ng Brgy. Cogon, Gubat, Sorsogon City. Isang run-away sa Jeddah, K.S.A. ang mister niyang si Jesus Fresia Rosales, ayon kanyang text message na ipinadala sa Bantay OCW. Tinawagan namin si Christina on-the-air sa Radyo Inquirer. Sinabi niyang umalis si mister noong Enero 21, 2013 patungong Yanbu. Siyam […]
ITO ang mensaheng nagpainit ng dugo ni Roldan, asawa ng OFW sa Hongkong, nang makita niya ang mga katagang ito sa Facebook ng asawa na nakikipag-away sa kapwa OFW roon. Ayon kay Roldan, labing isang (11) taon siyang nagtrabaho sa Saudi Arabia at ang asawa ang nagpauwi sa kanya sa Pilipinas. Taong 2008 nang […]
ISANG mensahe mula sa Facebook ang natanggap ng BANDERA at nais nating bigyang daan: June 1, 2013 “AN URGENT CALL FOR HELP!!! PLEASE FORWARD THIS LETTER HANGGANG MAKARATING SA PWEDENG MAKATULONG AS SOON AS POSSIBLE. My niece composed this letter to the Philippine Consulate in Dubai. She’s seeking help for JONAH MARIANO, PE Teacher […]
MAHIGIT 10 taon nang nagtatrabaho si Eileen sa Hongkong ngunit kapag dumarating na ang kaniyang bakasyon, hati ang isip niya kung uuwi ba siya o hindi. Labis siyang nangungulila sa dalawang anak na iniwan niya sa kanyang ina kaya gusto niyang umuwi. Pero may takot at pangamba na makita niya ang mister na seloso […]