DUMULOG sa Bantay OCW si Aling Linda hinggil sa kalagayan ng anak na nakakulong sa Vietnam. Kwento ni Aling Linda, noong 2012 nang ayain ang anak ng kaibigan nito na magtungo sa Vietnam gamit ang tourist visa. Kasama niyang umalis ang girlfriend. Pagdating sa Vietnam, nasangkot umano sa ilegal na gawain ang anak. Nagnakaw daw […]
ALAM mo ba ang “mañana habit”? Ugaling Pinoy raw ito — ‘yun bang pwede namang gawin ngayon ay ipagpapabukas pa. Sa minsan pakikipagkuwentuhan namin kina Ambassador Luis Cruz, assistant secretary ng Office of ASEAN Affairs ng Department of Foreign Affairs, kasama ang kanyang misis na si Ambassador Mindy Cruz, assistant secretary ng Office of Asia […]
NAGTUNGO sa Qatar sina Melanie Capili at Cristina Andaya sa pamamagitan ng Z Career Edge Agency. Naka-10 araw lang sila sa trabaho at hindi sila pinasweldo. Kung di pa sa tulong ng mga kababayan ay hindi pa sila makakabili ng kanilang pagkain. Isang kababayan naman natin ang nagmagandang loob upang maipaabot sa Bantay OCW ang […]
MAY ilang industriya pala ng mga patrabaho dito sa Pilipinas na mga dayuhan ang kinukuha imbes na mga Pilipino. Okay lang kung walang kakayahan ang mga Pinoy sa mga trabahong iniaalok, ang kaso may kakayanan nga ang mga Pinoy pero sa mga dayuhan pa rin ito napupunta. Bakit nga ba ganito ang nangyayari? Bakit nauuna […]
ITO ang masayang pahayag ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz kung bakit patuloy na hinihimok ng Aquino administration ang ating mga kababayan na magbalik sa Pilipinas, lalo ang mga propesyunal gaya ng mga guro. Bukod dito, meron naman daw naghihintay sa kanilang trabaho rito. Dinala na nga ng Professional Regulations Commission (PRC) ang mga eksamen sa […]
HALOS magkasunod na nag-anunsiyo ang Hongkong at Korea na magtataas sila ng pasuweldo sa ating mga OFW. Siyempre masaya ang ating mga kababayanf OFW na talaga namang nagpapgal nang husto sa mga bansang ito. Pero ang nakakatawa (kung nakakatawa man ito) ay may pakiusap ang ilan nating mga kababayan. Huwag na lang daw sanang ipaalam […]
REKLAMO ni YP ay kulang na kulang umano ang allotment na tinatanggap niya mula sa asawang seafarer. Third engineer ang mister niya sa barko. Apat ang kanilang anak. Isa ang nasa kolehiyo, dalawang high school at Grade 3 ang bunso. Pawang sa private school nag-aaral ang kanilang mga anak. Nang huling sumakay ng barko ang […]
MADALAS nating nababalitaan na lalaki ang palaging nanloloko sa kanilang mga asawa. Iyan ang palaging problemang kinahaharap ng Bantay OCW hinggil sa mga asawang niloloko ng kanilang mga mister. Ngayon, mas madali nang mabisto ang mga kalokohang ito dahil sa makabagong teknolohiya. Dahil sa Facebook ay maraming mga relasyon ang nabulgar at nadiskubre ng kanilang […]
LAKING-gulat ng isa nating kababayan na si Amancia Calvo nang mag-apply siya bilang hospital cleaner dahil hiningan siya ng P100,000 na placement fee. Isang Pilipinong dating cleaner din ngunit supervisor na ngayon sa Kuwait ang nag-recruit kay Amancia. Ang kabuuang halagang hiningi sa kanya ay P29,400 bilang placement fee. Direct hiring daw ang proseso. Nagbigay […]
UNA nang lumapit sa Bantay OCW si Ely Bulus ng Quezon City, may pitong taon na ang nakararaan. Hindi ‘anya nagpapadala noon ang asawang nasa Saudi. Matapos naming makipag-ugnayan sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) noon, na-gulat na lamang siya na muling nakipag-ugnayan ang asawa at tumupad na sa obligasyon nito. Mula noon regular na […]
NAGPASAKLOLO si Cristina mula sa Abu Dhabi, United Arab Emirates. Ayon sa kaniyang email, umalis siya ng Pilipinas noong July 18, 2014. Massage therapist ang trabaho niya sa pinirmahang kontrata. Ngunit trabaho sa bahay ang ipinagawa sa kaniya. Sa pagkakaalam niya, ban daw kasi doon ang domestic helper kung kaya’t ibang trabaho ang ipinalalagay sa […]