WALANG katapusan ang isyu ng Pilipino saan man sa mundo. Sa kabila nang pinakaaabangang “Fight of the Century” nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather, nakatutok rin ang mga Pinoy sa kaso ni Mary Jane Veloso na nakatakdang bitayin kahapon sa Indonesia. Maging si Pangulong Aquino ay hinimok rin ang Indonesia hanggang sa huling mga sandali […]
NAKATAWAG sa Bantay OCW sa Radyo Inquirer si EM mula sa Riyadh, Saudi Arabia, at nagmamakaawa na maibalik na sana siya sa kaniyang agency. Matapos magreklamong sinasaktan ng kaniyang amo si EM, mabilis itong ibinalik ng kaniyang madam sa ahensiyang nagbigay nito sa kaniya. Bugbog sarado ang ating OFW. Kung kaya’t pakiusap ni EM sa […]
HANGGANG sa huling sandali ay gagawin ng pamahalaan ang lahat ng magagawa nito upang maisalba sa tiyak na kamatayan si Mary Jane Veloso, na nahulihan ng 2.6 kilo ng heroin sa Yogyakarta Airport sa Indonesia noong Abril 2010. Ito ang naging npahayag ni |Communications Secretary Herminio “Sonny” Coloma sa panayam ng Bantay OCW sa Radyo […]
KAHIT ano ay kayang gawin ng Pinoy kapag nasa ibayong dagay. Kahit mahirap kayang tiisin, kahit lagpas na sa oras ng trabaho, kaya pa rin! Laging “yes sir, yes mam.”Para silang mga superhuman. Ganyan ang mga manggagawang Pinoy na tinagurian din na “todo-pasa.” Masasabing isang mabuting katangian ito. Hindi sila mga reklamador, di mahilig magkwenta. […]
“ATE Susan, parang awa mo na, tulungan mo po akong makauwi ng Pilipinas. Binubugbog nila ako rito.” Ito ang nagmamakaawang pakiusap ng overseas Filipino worker sa Saudi Arabia na may inisyal na N.E. Ipinadala niya ang nia ang mensahe sa Facebook account ng Bantay OCW. Ayon kay N.E., binubugbog, itinutulak sa bintana, binabatukan at binabatukan […]
REKLAMO ng maraming mga magulang, ang titigas daw ng ulo ng kanilang mga anak. Pahirapan umano kung mapasunod ang kanilang mga anak. Sapilitan at mas madalas ay kailangan pang pagalitan o di kaya’y may paluan pa bago pa magsisunod ang mga ito sa kanila. Pero kumusta naman kaya ang mga anak na adult na? Kumusta […]
HANGGANG ngayon wala pa ring pagbabago. Marami sa ating mga OFW na walang pakialam kung may ipatupad man na Crisis Alert Level 4 ang pamahalaan sa lugar na kanilang pinagtatrabahuan. Sa kanila, walang ibig sabihin ang panawagang iyon. At parang sirang plaka naman ang ating gobyerno sa maya’t-mayang panawagan sa mga OFW at nakikiusap na […]
AYON kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz, nasa “good standing” na ang Pilipinas sa South Korea sa ilalim ng sistemang ipinatutupad na government to government hiring o mas kilala bilang EPS o Employment Permit System. Ayon sa ulat na ipinadala sa kanya ni Labor Attache’ Felicitas Bay ng Philippine Overseas Labor Office (POLO), mas tumaas na […]
MALAKAS ang loob at kadalasang hindi na nag-iisip ang ating mga kababayan sa mga panahong gumagawa sila nang hindi tama, tulad na lamang ng bawal na pakikipagrelasyon sa kapwa OFW at maging sa ibang lahi. Madalas pa nga ay binibigyan pa ng katwiran. May magsasabing hindi naman nila sinasadya ang ganoong mga pangyayari. Nangyari na […]
MADALAS na problema ng OFW ang extra marital affairs sa kapwa OFW o kung minsan sa kanilang employer o mga nakilalang dayuhan. May 32 taon na sa Dubai si Sally. Alam na alam niya ang estilo ng Pinoy doon. Lumapit sa kaniya ang isang Pinay OFW na kapapanganak lamang at nagmamakaawang iiwan at ibibigay na […]
ANG Pilipino saan man sa mundo, kikibo at ki-kibo kapag tinatapakan na! Aabot sa 100 Pilipino na kabilang sa 200 mga manggagawa sa Kuwait ang kasalukuyang nagpoprotesta ngayon dahil sa hindi pagtupad ng kanilang mga employer sa kontratang napagkasunduan. Unang-una na, ang pinakamahalaga sa lahat, ang kanilang mga suweldo na dapat ibinibigay sa takdang panahon. […]