KAPAG Hong Kong ang usapan, madalas na biruang napakaliwanag ng bansang ito. Dalawa kasi ang ilaw ng kanilang mga tahanan. Ang babaeng employer at ang Pinay OFW na halos mga kababaihan ang bumubuo ng malaking puwersa ng mga OFW doon. Ngunit nakapagtatakang pagpasok ng taong 2017, halos sunod-sunod na mga kaso ng pagnanakaw ang kinasasangkutan […]
IBANG-iba na talaga ang takbo ng mundo ngayon. Pati na ang pag-uugali ng tao ay lalong nagiging marahas na. Isang OFW ang pinatay ng sarili nitong pamangkin sa Abu Dhabi, United Arab Emirates, bunsod lang sa utang. Napabalita kasing sinisingil ng tiyahin ang kanyang pamangkin sa pagkakautang nito. Nakalulungkot talagang mabalitaan ang ganitong mga insidente. […]
SA 20 taong pagli-lingkod ng Bantay OCW, isa sa mga natutuhan namin sa Hong Kong ay ang mahigpit na panuntunan ng mga employer doon hinggil sa isyu ng utang. Matindi kasi ang utangan sa pagitan ng ating mga Pinay domestic helper doon at mga loan companies. Malalaking halaga ang kanilang ipina-ngungutang at may mga idadamay […]
SA 20 taon na ginagawang pagbabantay at paglilingkod ng Bantay OCW sa ating mga OFWs, karamihan sa mga kasong inilalapit dito ngayon ay pawang walang anumang kaugnayan sa kanilang mga trabaho. Tulad ng kasong kinakaharap ni Ian Fuellas. Maayos sana ang kaniyang trabaho sa Singapore. Mataas ang respeto sa mga inhinyero at iba pang mga […]
NAGING mahigpit na ang mga patakaran sa iba’t-ibang mga bansa hinggil sa pagtanggap ng kanilang mga manggagawa. Kaya hindi na talaga puwede ang bulok na style ng mga Pinoy na magtutungo sa isang bansa bilang turista saka maghahanap ng trabaho doon. Kamakailan ay ilang mga bansa ang dumagdag sa listahan na nag-anunsiyong dapat paboran muna […]
MARAMING mga kasong kinasasangkutan ang ating mga OFW na wala ni katiting na kaugnayan sa kanilang mga trabaho sa ibayong dagat. ‘Ika nga, hindi “work-related” ang mga iyon. Tulad na lamang ng isang Pinay hotel worker sa Hong Kong na nagkaroong ng boyfriend sa pamamagitan ng online da-ting. May nakilala siya online at pakilala nito […]
SAAN mang panig ng mundo, hindi na bago ang mga kaso ng pagnanakaw. Kaya lang mukha yatang wala na ring pinipiling nakawin ang ating mga kabayan. Sa Hong Kong nahuling nagnakaw ang isang Pinay ng tatlong bote ng lotion at tatlong canned goods. Napag-alamang wala nang legal na dokumento ang naturang Pinay at nananatili na […]
PARA sa isang manlalakbay, napakaimportante ng pasaporte kaya dapat ay bitbit nila ito sa buong panahon ng kanilang biyahe habang hindi pa nakababalik ng kanilang bansa. Ngunit para sa isang Pinoy, maraming gamit ang pasaporte. Sa Hong Kong, isinasanla ito ng ating mga kababayan upang makapangutang. Kapag may naloko naman ang isang Pinoy na kapwa […]
MAY kaakibat na responsibilidad ang kalayaan. Malayang mag-post ng kahit ano sa social media ngunit handa nilang panindigan at panagutan anuman iyon. May batas na sumasakop sa electronic cyberbullying. Tulad sa Pilipinas, naipasa ang RA 10175 o “The Cybercrime Prevention Act of 2012” upang harapin ang mga isyung legal may kinalaman sa online interactions at […]
LABATT ang pinaikling tawag sa Labor Attache’ na nakadestino sa iba’t-ibang panig ng mundo. Sila ang mga opisyal ng pamahalaan na nangangalaga sa ating mga kababayang nagtatrabaho sa ibayong dagat na mas kilala bilang mga overseas Filipino workers o OFWs. Pinalalakas nila ang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at ng bansang kinaroroonan hinggil sa larangan […]
HINDI na magbabayad ng terminal fee ang ating mga OFW. Magandang balita ito. May dalawang taon ding pinagtalunan ang usapin ng sapilitang pagpapabayad sa mga OFW ng terminal fee sa ating mga paliparan at awtomatikong nakapaloob na ito sa kanilang mga airline tickets. Ayon mismo kay General Manager Ed Monreal ng Manila International Airport Authority […]