Bantay OCW Archives | Page 20 of 49 | Bandera

Bantay OCW Archives | Page 20 of 49 | Bandera

Nanny forever, pero OK lang

MAHIGIT 30 taon nang yaya si Adelfa sa Hong Kong. Nang mag-asawa at magkaroon ng anak ang kanyang alaga, siya na rin ang pinakiusapan nitong maging yaya ng sanggol. Biro nga ni Adelfa, apo na niya ang alaga ngayon. May sariling mga apo na rin siya sa kanyang tatlong mga anak sa Pili-pinas. Ngunit kailanman […]

Walang kamatayang problema sa balikbayan boxes

ILANG dekada na bang problema ng Pinoy ang mga balikbayan boxes na hindi nakararating sa kani-kanilang mga destinasyon? Nagsisimula pa lamang ang Bantay OCW program noon, 20 taon na ang nakararaan, ito na ang problemang sumalubong sa amin.  Hanggang ngayon, eto pa rin ang problema. Dalawang container van mula sa Hong Kong ang hindi na […]

Kontrolin ang paggamit ng social media

SA masusing pagsusuri, nakadepende na halos ang buhay ng tao ngayon sa social media. Para bang hindi makukumpleto ang araw ng isang indibidwal kung hindi makapagbubukas o makikibahagi o kahit tumingin lamang sa kanyang social media account. Itinuturing ngang pandaigdigang tambayan ng mga tsismosa at tsismoso ang social media. Pagmulat pa lamang ng mata, ito […]

Mga Pinoy sa Qatar may susuunging problema

WALANG maipapangako ang tao. Anumang normal ngayon, bukas-makalawa ay maaaring iba na ang kalagayan. Lalo pa’t pawang hindi kontrolado ng tao ang mga bagay-bagay. Tulad na lamang ng sitwasyon ngayon sa Qatar. Kamakalawa ay inanunsyo ng Saudi Arabia, Bahrain, United Arab Emirates at Egypt na pinuputol na nila ang anumang kaugnayan sa nasabing bansa dahil […]

Huwag sumuko!

NABUBUHAY tayo ngayon sa napaka-mapanganib na panahon.  Natutulog sa takot at nagigising sa takot ang tao dahil sa lumalalang kalagayan ng daigdig. Patuloy ang paglago ng banta ng terorismo at naghahasik ng karahasan ang iba’t-ibang organisadong grupo. Punong-puno ng pagdurusa ang tao. Napapagod na ang taong harapin ang samu’t saring mga hamon ng buhay. Pagod […]

Amnesty program sa Middle East bakit patok sa Pinoy?

HALOS linggo-linggo ang pagpapauwi sa ating mga kababayan mula sa Gitnang Silangan. Sa June 30, 2017 pa magtatapos ang programa para mapauwi ang mga dayuhang ilegal nang nananatili sa Saudi Arabia at wala nang anumang aalalahanin pa, hugos ang mga Pinoy na agad nagparehistro at nais na lang na bumalik sa Pilipinas. Dati-rati, maging sa […]

Social media dahilan ng pagtaas ng suicide case sa mga marino

MARAMING positibo at mabubuting bagay na naidudulot ang paglago ng makabagong teknolohiya. Sabi nga, pinaliit na nito ang mundo. Mas mabilis ang koneksyon ng bawat isa kahit saan man sila naroroon, kahit matagal na panahon nang hindi nagkikita at walang komunikasyon, posible pa rin na muling magtagpo ang magkakamag-anak, magkakaibigan, magkakaklase o dating magkakatrabaho. Dahil […]

Pinoy sa Russia may hirit kay Du30

NGAYONG nasa Russia ang Pangulong Duterte, umaasa ang mga Pinoy roon na may mababago sa kanilang kalagayan sa nasabing bansa. Hirit nila ay mabibigyan sila ng karagdagang proteksyon sa kanilang mga trabaho at ang pagpapaigting sa mga serbisyo ng pamahalaan ng Pilipinas. Itinuturing na landmark visit ni Duterte ang pagtungo sa Russia, na ang layunin […]

Mga Pinoy sa abroad ayaw umuwi ng Pinas, bakit kaya?

IBANG-iba ang buhay sa abroad. Iyan ang madalas nating naririnig sa mga kababayan na-ting nagtatagal sa labas ng Pilipinas. Mas madalas marinig ang mga kataga na “Maganda manirahan dito. Malayo sa buhay natin sa Pinas”. Tatlong bagay kasi ang kaagad napapansin ng isang Pinoy na nangingibang-bayan— ang bansang kanilang pinuntahan, estilo ng pamumuhay roon at […]

Bakit ayaw ng mga Pinoy sa abroad umuwi ng Pinas?

IBANG-iba ang buhay sa abroad. Iyan ang madalas nating naririnig sa mga kababayan nating nagtatagal sa labas ng Pilipinas. Mas madalas marinig ang mga katagang “Maganda manirahan dito. Malayo sa buhay natin sa Pinas”. Tatlong bagay kasi ang kaagad napapansin ng isang Pinoy na nangingibang-bayan—ang bansang kanilang pinuntahan, estilo ng pamumuhay roon at ang kanilang […]

Positibo at negatibong epekto ng social media sa OFWs

PINALIIT na nga ang mundo dahil sa modern technology. Sino ba naman ang mag-aakalang darating pala ang panahon na puwedeng-puwede nang makapagsumbong ang OFW gamit ang social media kahit saan man siya naroroon. Halos wala na nga tayong mabalitaang ikinukulong na OFW ngayon at kung sakaling may nakalulusot, paisa-isa na lamang ang mga ito. Ngunit […]

Previous           Next
No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending