Social media dahilan ng pagtaas ng suicide case sa mga marino | Bandera

Social media dahilan ng pagtaas ng suicide case sa mga marino

Susan K - May 26, 2017 - 12:10 AM

MARAMING positibo at mabubuting bagay na naidudulot ang paglago ng makabagong teknolohiya.

Sabi nga, pinaliit na nito ang mundo. Mas mabilis ang koneksyon ng bawat isa kahit saan man sila naroroon, kahit matagal na panahon nang hindi nagkikita at walang komunikasyon, posible pa rin na muling magtagpo ang magkakamag-anak, magkakaibigan, magkakaklase o dating magkakatrabaho.
Dahil sa kapangyarihan ng social media, naging posible ang dating imposible. Dalawang bagay ang posibleng epekto nito sa tao: positibo at negatibo.
Mas pinadali na nito ang lahat. Mabilis mag-anunsiyo o magpahatid ng mga balita. Halimbawa na lamang, kung may namatay na minamahal, maglalabas lamang sila ng impormasyon hinggil sa kaanak na namatay, nakaabot na ito sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Inaasahang bubuhos ang mensahe ng mga pakikiramay na nakapagpapalakas naman ng damdamin ng mga naiwan. Nakatataba ng puso at naiibsan ang kanilang kalungkutan dahil alam nilang marami ang nagmamahal sa kanila at sa yumaong kamag-anak.

Ngunit nakababahala rin ang negatibong epekto ng social media.

Ayon sa pinakahuling ulat ng P&I Club sa United Kingdom, nakatuon ang kanilang pansin ngayon sa mental health ng ating mga seafarer kung saan nakapagtala ito ng 15 porsiyento na mga kamatayan ng marino dahil sa pagsu-suicide.

Mas malaki rin umano ang risk nito sa mga nakababatang seafarer dahil sa limitado nilang mga karanasan sa buhay marino.

Nakapuntirya sa social media ang pangunahing dahilan ng depression ng ating mga marino. Maaaring nagdudulot ito ng matinding kalungkutan sa kanila na makitang mas asensado ang dating karibal sa kaniyang girlfriend o di kaya’y dating kakumpetensiya sa eskwuelahan.

Posible rin na hindi nito ikinasisiyang makita ang masasayang larawan ng mga kaibigan na nagbibiyahe kung saan-saang mga bansa, o di kaya’y mas pakiramdam niyang naungusan na siya ng mga dating kaklase. Iba rin ang pakiramdam ng batang kadete na makitang naka-move-on na ang ex-girlfriend at may kasama ng bagong boyfriend.

Ilan lamang iyan sa mga nagpapalungkot sa ating mga seafarer bukod pa sa work stress, haba ng oras sa kanilang trabaho o di kaya’y kulang sa pahinga na siyang dahilan upang kitilin ang regalong buhay sa kanila.

Ayon sa pag-aaral, maaaring kalahati sa mga naiulat na nawawalang seafarers o yaong mga idineklarang “missing” ay maaaring nagpakamatay na lamang dahil sa mas madali para sa kanilang gawin iyon tulad na lamang ng pagtalon o pagpapatihulog sa gitna ng karagatan.

Mat ganito ka rin bang kaanak, kaibigan at dating kasama sa trabaho?  Huwag mag-atubiling tumulong!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Susan Andes a.k.a Susan K. ay napapakinggan sa Radyo Inquirer DzIQ 990 AM (mula Lunes hanggang Biyernes, alas 10:30 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali) audio/video live streaming:  www.ustream.tv/channel/dziq Helpline: 0998.991.BOCW E-mail: [email protected]/ [email protected]

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending