Positibo at negatibong epekto ng social media sa OFWs | Bandera

Positibo at negatibong epekto ng social media sa OFWs

Susan K - May 12, 2017 - 12:10 AM

PINALIIT na nga ang mundo dahil sa modern technology.

Sino ba naman ang mag-aakalang darating pala ang panahon na puwedeng-puwede nang makapagsumbong ang OFW gamit ang social media kahit saan man siya naroroon.

Halos wala na nga tayong mabalitaang ikinukulong na OFW ngayon at kung sakaling may nakalulusot, paisa-isa na lamang ang mga ito. Ngunit mabilis din silang nakapagsusumbong sa mga kinauukulan.

Nagiging posible at madali na ngang malaman ng mga kamag-anak ang kalagayan ng ating mga OFW ngayon. Ngunit may kakaibang epekto rin ito. Puwedeng mapabuti o di kaya nama’y mapasama’.

Tulad na lamang ng ginawa ni Rosemarie Jullanda, 45-anyos na OFW natin sa Kuwait. Ikinuwento niya sa video ang ginagawang pang-aabuso sa kaniya ng kaniyang amo.

Kwento niya: “Sinampal ako ng kabilaan tapos tinadyakan ako. Pinagsusuntok pa ako sa tiyan kahit wala naman akong ginawang kasalanan.”

Ang dahilan ‘anya, narinig kasi ng amo na umiyak ang anak nito at ikinagalit niya ang naturang pag-iyak kung kaya’t sinaktan siya.

Tanong nga ni Rosemarie, kasalanan ba niya kung umiyak ang kaniyang alaga, gayong wala naman siyang ginagawa rito? Hindi nga ba’t umiiyak na lamang basta ang mga bata, at hindi naman kontralado ito ng nag-aalaga sa kaniya.

Nang magawa nga ng OFW na mai-post na sa social media ang naturang video, napanood pala ito ng kaniyang employer. Muli na naman siyang sinaktan ng amo at dinala sa isang liblib na lugar kung saan iniwan siya roon ng dalawang oras bago pa siya dinala sa police station at nanatili naman siya doon ng 16 oras saka siya binalikan ng kaniyang employer.

Pinagawa pa umano ng amo ng panibagong video si Rosemarie na binabawi nito ang kaniyang mga nasabi sa unang video. Matapos iyon, nakapagtrabaho siyang muli sa kaniyang amo.

Ilang araw naman ang nakalipas matapos mag-viral ang naturang video, binilhan ng ng employer ng plane ticket ang OFW at inihatid pa sa niya ito sa airport.

Ayon kay Rosemarie, nakahinga siya nang maluwag nang makita ang plane ticket at laking pasasalamat na makauuwi na nga siya ng Pilipinas.

Nang makausap ng OWWA ang recruitment agency na nagpaalis kay Rosemarie, ibinigay na lamang nila ng cash ang katumbas ng kaniyang anim na buwang sahod na hindi pa nito nakuha sa kaniyang employer. May nakalaan ding scholarship program ang OWWA para sa kaniyang mga anak.

Sa kabuuan, malaking tulong ang social media kung nagagamit ito ng tama at nagsilbing proteksyon at kaligtasan pa nga sa ating OFW.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Susan Andes a.k.a Susan K. ay napapakinggan sa Radyo Inquirer DzIQ 990 AM (mula Lunes hanggang Biyernes, alas 10:30 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali) audio/video live streaming: www.ustream.tv/channel/dziq Helpline: 0998.991.BOCW E-mail: [email protected]/[email protected]

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending