Sa nakaraang 25 araw simula nang maging PNP Chief si Lt.Gen. Guillermo Eleazar, sunud- sunod ang kanyang aksyon upang linisin ang 220,000 kataong police agency sa mga abusado, corrupt, at mga sangkot sa illegal drugs. Unang-una, iniutos niyang buksan ang mga police records sa animnaput isang kaso ng drug killings sa ilalim ng Duterte administration. […]
Ako ay kritiko ng Pangulong Duterte sa kanyang solid pro-China stance at appeasement policy tungkol sa West Philippine Sea. Ako ay kritiko ng Pangulong Duterte at kontra sa kanyang pro-China foreign policy na ipinaiiral ng kanyang pamahalaan. At lalong-lalo na, ako ay kritiko ng Pangulong Duterte at hayagang tinuligsa at tinutuligsa ang kanyang pagkiling at […]
Dalawamput anim na milyong estudyante ang naka-enrol ngayong 2021 at 1.1M naman ang hindi nagpalista, sabi ng DepEd. Ganito karami ang mga kabataang edad 10 hanggang 17 na ngayo’y nakakulong sa halos 15 buwang naka-lockdown o quarantine sa kanilang mga bahay. Totoo na may mga ayuda sa mga pamilya mula sa national government at maging […]
Iboboto mo ba ang isang pro-China candidate sa pagkapangulo sa May 2022 presidential election? Ito ang tanong sa atin ng isang kakilala sa kainitan ng tensyon at isyu na nagaganap sa West Philippine Sea (WPS) at habang binabatikos ang katapatan ng Pangulong Duterte sa usaping ito. Hindi maitatanggi na ang Pangulo ay isang pro-China, sa […]
Hindi lamang ang araw-araw na stress sa trabaho kundi ang kanyang edad ang dahilan kung bakit madalas ay nagiging masasakitin ang isang kilalang business leader sa bansa. Sa unang quarter pa lamang ng taon ay kung ilang beses na siyang naglabas-masok sa ospital dahil sa ilang mga karamdaman. Noong nakalipas na buwan ay muli na […]
Mahigit 30 milyon ang darating na COVID-19 vaccines ngayong buwan ng Mayo at Hunyo. Kabilang dito ang 5-M bakuna ng SINOVAC, 3.4-M ng ASTRAZENECA, 3.3-M ng SPUTNIKV, 2.2-M ng PFIZER-Biontech at 250K ng MODERNA. Prayoridad ng pagpapakalat nito ay dito sa “NCR bubble” kung saan, inaasahang mababakunahan ang higit 9-M mga residente o 70 percent […]
“You are really stupid.” Ito ang sagot at tahasang pinahayag ng Pangulong Duterte sa mga naniwala at nag-uudyok na tuparin ang kanyang binitawang salita at pangako, na mag-jet ski sa Spratly Islands at itanim ang bandila ng Filipinas. Walang pakundangan pa nitong sinabi na ito ay bravado at isang biro lamang. Isang “pure campaign joke” […]
Patuloy ang pagbaba ng “reproductive number” ng COVID-19 dito sa Metro Manila mula sa mataas na 2.1 nitong Marso 29, sa mas mababang 0.67 nitong Mayo 8. Inaasahan ng mga eksperto na ito’y magiging “stable” sa pagitan ng 0.70 hanggang 0.80 na normal nating RN bago sumapit ang nakaraang Pasko. Noong kasagsagan ng “surge“, umakyat […]
Sa kabila ng epekto sa ekonomiya ng Covid-19 ay kinakitaan ng konting liwanag ang “future” ng isang malaking kumpanya sa bansa. Naging mabigat ang taong 2020 at ang simula ng 2021 sa kumpanyang ito na ilang beses na ring niyanig ng mga pagsubok. Mula sa labor issues hanggang sa hindi mabayarang mga pagkakautang lahat ay […]
Ang patuloy na pangangamkam ng China ng ating mga teritoryo sa West Philippine Sea at ang mga nagsusulputang community pantries sa iba’t ibang lugar dala ng kagutuman sa panahon ng pandemya ang naging mainit na usap-usapan sa social media, matapos magsalita ang Pangulo tungkol dito noong Lunes. Sinabi ng Pangulo na ang China ay ating […]