Siyam na araw pa bago magwakas ang ating MECQ sa May0 14, pero ngayon pa lang patuloy na bumababa ang COVID-19 infections sa Metro Manila at maging sa “bubble”provinces”. Ayon sa DOH Data drop at OctaResearch, ang reproductive number (RN) ay nasa pinakamababang 0.83 na lamang ngayon. Malayo ito sa pinakamataas na 2.0 noong Marso […]
Napakamot na lamang sa kanyang ulo ang aking cricket nang malaman niya na nagsusumiksik daw sa senatorial lineup ng isang grupo ang isang ma-epal na personalidad. Kilalang “B na B” as in bilib na bilid sa sarili ang personalidad na ito na minsan ring nabigyan ng pagkakataong mapasama sa isang ahensya ng gobyerno. Maganda na […]
Hindi maitatanggi na ang nagsulputang mga community pantries sa ibat-ibang lugar ay dala ng pagkabigo ng gobyerno na gampanan ang tungkulin nito sa panahon ng krisis dulot ng COVID -19. Bigo ang gobyerno na tulungan ang ating mga mahihirap na kababayan na maglatag ng pagkain sa kanilang mesa. Marami ang nawalan ng hanap buhay dahil […]
Mahirap talagang magkasakit ng COVID-19 lalo na kung “severe o critical” na kailangan mong maospital. Gumaling ka man at lumabas ng pribadong ospital, higit milyong piso ang gagastusin mo. Hindi ka naman makakapagreklamo dahil ang gamutan ay sa panahong nasa “bingit” ka ng kamatayan. Kahit sa social media, puno ng mga pakiusap na tulungan silang […]
“Kapag sinabi (ng UN arbitral tribunal) na panalo tayo at ayaw ng China. I will not go to war. Pupunta ako sa China. Ngayon pag ayaw nila. I will ask the Navy to bring me to the nearest boundary, dyan sa Spratly, sa Scarborough…Bababa ako at sasakay ako ng jet ski, dala dala ko ang […]
“Magbigay ayon sa kakayahan, kumuha batay sa kailangan”. Ito ang karaniwang tema ng mga nagsulputang community pantries sa ibat ibang dako ng bansa. Sinimulan ng isang batang negosyante na si Ana Patricia Non at ng mga kapitabahay sa Maginhawa street, Quezon City, ito’y lubusang tinularan ng marami pang civic-minded na mga Pilipino hindi lamang sa […]
Nagpakita at nagsalita na rin ang ating Pangulo matapos nang halos dalawang linggong katahimikan sa kasagsagan ng pagtaas ng bilang ng nagkaroon at namatay sa COVID-19 at tensyon sa West Philippine Sea. Sa kanyang pre-taped national address noong Lunes ng gabi, pinabulaanan ng Pangulo na siya ay may malubhang karamdaman na maaaring pumigil na gampanan […]
Nitong nakaraang weekend, personal kong naranasan ang maospital nang isugod ako hindi dahil sa COVID-19 kundi sa pagdurugo at pagbara ng aking pag-ihi. Biyernes ng gabi, nagpasya ang pamilya kong dalhin ako sa NON-COVID emergency room ng St. Lukes Hospital QC, sa utos ng aking urologist na si Dr. Josefino Castillo. Ako po’y retiradong 65 […]
Marahil ay kabilang kayo sa mga netizen na halos ay araw-araw nagpapadala ng sympathy messages sa inyong mga kakilala o kanilang mga kaanak na namatay dahil sa Covid-19. Totoong nakaka stress ang mga larawan ng kandila o kulay itim na profile pic ng inyong mga Facebook friends na namatay o naulila dulot ng pandemya. Totoo […]
Pinalawig ang ECQ Season 2 sa buong Metro Manila pati na sa Rizal, Cavite, Laguna at Bulacan provinces hanggang sa April 11. Ito ang tugon ng ating gobyerno upang mapigilan ang patuloy at mabilis na pagdami ng may sakit na COVID-19. Matatandaan na nilagay ulit sa ECQ ang mga nasabing lugar noong March 29 ng […]
Sa panahon ngayon, parang ayaw ko nang buksan ang aking social media accounts dahil sa namamayaning kalungkutan ng mga kababayan. Sabi nga, pami-pamilya na ang hawaan at pati mga malalapit kong kaibigan ay isa-isa nang nangawala. Dati rati, ang FACEBOOK, INSTAGRAM, maging TIKTOK ay puno ng selebrasyon, masasayang bagay at okasyon. Ngayon, napakaraming malulungkot na […]