BAGO sumapit ang Todos Los Santos. Nakabuntot ang mga bata sa matatandang bihis-patay, may mga kapang itim. Bagaman walang Halloween at walang trick-or-treat, ang kinagisnan ay may maskara ang mga bata at ang iba’y nagpapahid ng dinikdik na pinong uling na binuhusan ng langis ng niyog (nabibili pa ang langis ng niyog noon sa tindahan), […]
“KILIG to the bones” ang anak na teenager ng aking kaibigan sa kasal nina Sen. Mar Roxas at broadcaster Korina Sanchez na dinaluhan ng libo-libo sa simbahan at pinanood sa TV ng milyon-milyon. Para sa mga batang kababaihan, masasabing fairy tale ang kasal ng magkabiyak. Lalo pang naging romantiko ang kasal nina Mar at Korina […]
BILANG pasasalamat sa inyong walang sawang pagsubaybay sa BANDERABLOGS (labis ang aming kasiyahan dahil tila bahagi na ng inyong umaga ang dalawin at basahin kami at magpahayag ng inyong nais), ibig naman naming makapaglingkod sa inyo. Meron bang mga pagkakataon, araw, o linggo na palpak at serbisyo ng inyong binabayarang load ng Smart, Globe at […]
MALAPIT nang umupo si Lilia “Baby” Pineda bilang gobernador ng Pampanga. Si Baby, asawa ng gambling lord na si Bong Pineda, ay dating mayor ng Lubao, Pampanga. Si Pineda, na tinatawag ng karamihan ng mga Kapampangan na “Nanay Baby,” ay pilantropo. Tumutulong siya sa mga maysakit at mahihirap di lang sa Pampanga kundi sa ibang […]
NAGWAGI ng ikatlong parangal si Bandera photographer Edwin Bellosillo sa nakalipas na 85th National Collegiate Athletic Association (NCAA) Photo contest sa kanyang entry na “Tirang paupo” noong Sabado, Oktubre 24 sa Big Dome. Ilang beses nang nakapag-uwi ng parangal sa Bandera si Bellosillo dahil sa kanyang mga ma-aksyon na kuha hindi lamang sa sports kundi […]
OO. Nang dahil sa usok ng yosi mo, madadali ang buhay ko. Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, 20% ng heart attacks sa Metro Manila ay sanhi ng nalanghap na usok ng sigarilyo sa katabi o kaharap. Kapag nahinga ko ang usok ng yosi mo isa hanggang pitong oras sa sanlinggo, kandidato na ako […]
NOONG tumakbo si Erap laban kay Joe (de Venecia), di pa alam ng taumbayan ang lasingan sa Malacanang gabi-gabi, kung minsan ay bago lumubog ang araw ay may panimulang tungga muna, na pampainit, na ayon kay Lacquian, ay siya ang tagahatid sa bahay ng mga senglot at sumusuray sa haplit ng alak.
KAHIT na hindi ako sang-ayon na siya’y tumakbong muli sa halalan next year, umaayon ang inyong lingkod kay dating Pangulong Erap na dapat ay i-legalize na ang jueteng. Maraming tao na ang nawawalan ng hanapbuhay tuwing binubuhay ng pulisya ang kampanya laban sa jueteng. Mahirap maalis ang isang kaugalian na mahigit na sandaang taon nang […]
BAKIT kinakailangan pang humingi ang gobyerno ng tulong sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) upang ma-rescue o mapalaya si Father Michael Sinnott. Si Sinnott, isang Columban priest, ay inisnats ng mga armadong lalaki sa kanyang kumbento sa Pagadian City, Zamboanga del Sur. Ipinapakita lang ng ating militar ang pagiging inutil nito.
MARAMING namatay at bilyun-bilyong piso ang napinsala ng bagyong “Ondoy” at “Pepeng” dahil sa ating kapabayaan. Wala tayong dapat sisihin kundi tayo rin. Tayong mga ordinaryong mamamayan. Ikaw at ako. Nagpabaya tayo. Nagtapon tayo ng mga plastic na basura sa ating mga ilog, sapa, kanal, estero. Ang plastic ay di natutunaw gaya ng papel. Kahit […]