Di magbibigay ng ransom para kay Sinnott, Philippine Envoy sa Saudi inutil, atbp. | Bandera

Di magbibigay ng ransom para kay Sinnott, Philippine Envoy sa Saudi inutil, atbp.

- November 03, 2009 - 10:38 AM

HINDI raw magbibigay ng ransom ang gobyerno at ang religious order ng kidnapped priest Fr. Michael Sinnott.
Ang mga walanghiyang kidnappers ay humihingi ng $2 million ransom para sa paglaya ni Sinnott.
Siguraduhin lang ng gobyerno na walang ransom na ibibigay talaga sa mga kidnappers.
Noong mga nakaraang kidnapping sa Mindanao, sinabi ng gobyerno na walang ransom na ibinayad only to admit later on na nagbigay ng “board and lodging” sa mga kidnappers upang mapakawalan ang kanilang biktima.
Board and lodging? Bakit, magbabayad ng board and lodging para sa biktima di naman siya nag-check in sa boarding o lodging house.
O kaya aaminin ng gobyerno na nagbigay ng “panigarilyo” sa mga kidnappers na nagkakahalaga ng P50,000.
Sa halagang P50,000 para sa sigarilyo, magkakasakit na ng kanser sa baga ang mga kidnappers.

*     *      *
Baka naman kapag nakalaya na si Sinnott ay lalabas ang balita na binigyan ang mga kidnappers ng pera para sa pagkain ni Sinnott?
Iba’t ibang dahilan ang sinasabi ng gobyerno at ng mga kidnappers upang mapalaya ang kanilang bihag.
Kahit na ano pa man ang tawag sa “board and lodging,” “cigarette money,” o “food expenses for Sinnott” ransom pa rin yan.
Huwag na tayong maglokohan.
*    *     *
Parang yung kuwento tungkol sa mag-asawa na taga-bundok na gustong magkaanak at pumunta sa isang matandang arbularyo upang si Mrs ay magbuntis.
Kung anu-ano ang pinagagawa ng arbularyo kay Mrs sa harap ng kanyang Mr.
Di nagtagal ay di na nakatiis yung lalaki at sinabi: “Impo, kung hindi lang kayo arbularyo maghihinala na ako na nakikipagtalik kayo sa Mrs ko.”
*              *                                    *
Pinagalitan ng Malakanyang ang media sa pagpapalabas ng video kung saan makikita si Father Sinnott na hawak-hawak ang kopya ng pahayagang INQUIRER sa araw na yun.
Ang video ay proof of life o prueba na buhay pa si Sinnott.
Sabi ni Cerge Remonde, spokesman ng Palasyo, binigyan ng media ng “propaganda mileage” ang mga kidnappers.
Parang hindi dating newsman itong si Remonde.
Kinakailangan maipakita sa mga tao yung video because it was of great public interest that Sinnott was still alive.
Na-highlight kasi ang pagiging inutil ng gobyerno sa Mindanao sa video na ipinalabas ng GMA 7 at nailathala sa INQUIRER.
Yan ang dahilan kung bakit nagalit ang Palasyo.
*            *                                   *
Isa na namang kababayan nating Pinay ang ginahasa at pinatay sa Saudi Arabia.
Walang ginawa ang embassy natin sa Riyadh, kaya’t hiniling ng militanteng grupong Migrante na imbestigahan ang pagkamatay ng pobreng kababayan.
Hindi kataka-taka na walang ginagawa ang Philippine Embassy sa pagkamatay ng Pinay worker.
Ika-13 Overseas Filipino worker (OFW) ang namatay dahil sa pang-aabuso ngayong taon.
Ang ambassador sa Saudi, na kadalasan ay isang Muslim, ay parang tau-tauhan lang sa bansang yun.
Kung ano ang sinasabi ng hari ng Saudi ay yuko lamang siya.
Meron pa ngang Filipino Muslim ambassador sa Saudi na humahalik sa singsing ng hari sa Saudi.
Ganyan ang nangyayari kapag ang mga staff sa Philippine Embassy sa mga Arab countries ay pawang mga Muslim.
Bow lang sila ng bow sa kanilang host country.

Mon Tulfo, Target ni Tulfo
BANDERA, 110309

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending